Kung ako ang pangulo
Lahat ng bata ay mag-aaral
Walang bata sa lansangan
Lahat sila ay sa paaralan
Kung ako ang pangulo
Lahat ay may trabaho
Walang tambay sa may kanto
Lahat ay dapat umasenso
Kung ako ang pangulo
Lahat ng may sakit ay libre
Sa gamot man o konsulta
Gobyerno ang bahala sa kanila
Kung ako ang pangulo
Wala ng gulo saan mang dako
Tahimik kahit labas ng bahay mo
Matiwasay hanggang pag-uwi mo
Kung ako ang pangulo
Wala ng terorista
Wala ng aktibista
Lahat tayo’y magkakaisa
Kung ako ang pangulo
Lahat ng masama ay magbabago
Puro kabutihan ang makikita mo
Dahil ang Panginoon ang katuwang ko
By: Jasmin Aliguin Baluyot | Bachelor of Secondary Education | Sitio Tabon, Del Rosario Pilar, Bataan