Kung ika’y sa Akin

Kung ika’y sa akin lagi kang, aalagaan, Ikaw ay iingatan at, poprotektahan Marami mang umaway sa iyo akong bahala, Lagi kitang ipagdarasal, kay bathala       Ang ikaw ay masaktan di ko hahayaan, Sa buhay kong ito ikaw ang aking kailangan, Ikaw ang lagging hanap ko, Kung mawawala ka parang namatay narin ako Kung sa iba ikaw…


Kung ika’y sa akin lagi kang, aalagaan,

Ikaw ay iingatan at, poprotektahan

Marami mang umaway sa iyo akong bahala,

Lagi kitang ipagdarasal, kay bathala      

Ang ikaw ay masaktan di ko hahayaan,

Sa buhay kong ito ikaw ang aking kailangan,

Ikaw ang lagging hanap ko,

Kung mawawala ka parang namatay narin ako

Kung sa iba ikaw lang ay binalewala,

Ikaw ay sinaktan at di ka binigyang halaga,

Asahan mo sa akin yan ay kabaliktaran,

Mga gusto ang gagawin di ka didiktahan,

Sa problema mo lagi akong makikinig,

Pagmamahal ko sa iyo hindi manlalamig,

kung ikay sa akin di ka na paiiyakin,

kung ikay sa akin lagi kang pakikiligin,

Kung ika’y sa akin I will make, you happy,

Sasamahan ka ano man ang ‘ yung hubby,

Mamahalin kita kahit pa maging chubby,

Gusto ko lang sayong anak ay maging daddy.

Kung ikay sa akin lagi kitang I, dadate,

Lahat ng oras ko sayo na naka alocate,

Di mag babago pagtingin kahit mag -over weight,

Para akong kape, at ikaw ang coffee mate,

Kung ikay sa akin I will love you more and more

Pagmamahal ang habol ko sayo hindi score,

Kung sa iba dinulot lang sayo ay lonelines,

Sakin nag iisa ka lamang na, in- terest,

Dito sa puso ko itsura mo lang naka paint,

Asahan mo ika’y sasambahin na parang saint,

Dahil sayo ang araw araw ko nagiging better,

Sana nga ikaw na at ako, forever.

By: Roselyn S. Galsim | Teacher III | Olongapo City National High School