Kwadernotes

Simple at kinakailangang mga bagay na halos lahat ng dako : sa trabaho , sa paaralan at kahit na sa bahay. Ang papel ay isang manipis na material na pangunahing ginagamit para sa pagsusulat , paglilimbag at pagbabalot. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdiin ng pagsama –sama ang basang mga hibla , karaniwang selulusa na…


Simple at kinakailangang mga bagay na halos lahat ng dako : sa trabaho , sa paaralan at kahit na sa bahay. Ang papel ay isang manipis na material na pangunahing ginagamit para sa pagsusulat , paglilimbag at pagbabalot. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdiin ng pagsama –sama ang basang mga hibla , karaniwang selulusa na hinango mula sa kahoy , trapo o damo , at tinutuyo upang maging isang pirasong nababanat. Mula sa gawa ng kasaysayan at hinulma ng panahon hanggang sa pagbabago ng anyo at ng pamantayan nito.

Nilagay sa isang supot iniayos kasama ng isang panulat. Dinala sa paaralan kasama ng pangarap. Umupo sa silid aralan , pinagmasdan ang mga kaeskwelahan . Walang pumapansin walang nais kumausap. Ang tanging dala lamang ay isang kwaderno at panulat. Doon nakalathala ang mga natutunan. Habang binabasa naalala ang unang limbag sa papel ang pagsusulat ng Alphabetong Filipino , pagguhit ng iba’t-ibang hugis hanggang sa paglalarawan ng mga pangarap.

Ngayon kaya nya ng gumuhit ng isang obra , kaya nyang sumulat sa isang kwadernotes ng mga sanaysay , lathain at talata. Kaya nya makipagsabayan sa mga mundo ng mga millenio sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga napapanahong isyu , mga nararamdaman ng isang kabataang, at mga tula ng pag-ibig. Unang tibok ng puso . Saya lungkot na nararamdaman. Dito nagsimula ang lahat sa isang papel sa isang kwaderno iginuhit isunulat at inilimbag ang isang pangarap.

By: Ms.Ethelrine A.Villanueva | Teacher II | Bataan National High School | Balanga City, Bataan