LABAN, PINOY!

Sunod-sunod ang pagdating ng kalamidad. Sinusubok ang ating katatagan at kapasidad. Tinatamaan ang bawat isang komunidad, Tama na pakiusap, hindi namin ito hangad. Malalakas at matinding bagsak ng ulan, Ihip ng hangin na humuhuni at dumadaan, Takot at pangamba ang hatid sa sino man. Hindi na naman tiyak ang kahahantungan. Dadaan, tatahak, sisira at pipinsala…


Sunod-sunod ang pagdating ng kalamidad.
Sinusubok ang ating katatagan at kapasidad.
Tinatamaan ang bawat isang komunidad,
Tama na pakiusap, hindi namin ito hangad.

Malalakas at matinding bagsak ng ulan,
Ihip ng hangin na humuhuni at dumadaan,
Takot at pangamba ang hatid sa sino man.
Hindi na naman tiyak ang kahahantungan.

Dadaan, tatahak, sisira at pipinsala
Katamtaman hanggang sa pinaka malala,
Samu’t sari ang maririnig nating babala
Hindi pwedeng ipagsawalang bahala.

Nagtumbahang poste, nabuwal na mga puno
Baha sa kalye at kalsada na nakapanlulumo,
Mga yero at bubong na tila baga nagtatago
Sa pagmamasid ay nakakadurog ng puso.

Kasabay ng pagbayo ang iba pang pagsubok
Mga suliranin nating sa atin ay tumutusok
Kasadlakan sa buhay na tila tayo ay pinupukpok
Sabay sabay sa buhay natin kumakatok.

Sama sama tayong magdasal at manalangin
Mga pagsubok na ito ay matatapos rin.
Nailagay man tayo sa sitwasyong alanganin,
Pagsuong sa mga unos na ito, tayo ay pagtitibayin!

Ngunit hindi natin dapat kakalimutan
Sa likod ng makapal at madilim na kaulapan,
May pagasa pa rin tayo na tutunghayan.
Pinoy tayo, kalamidad lang yan! Laban!

By: BRUSSELS FRANC MIRANDO