LAHAT NG BATA BUMABASA

Ang pagbabasa ay isang hamon sa Departamento ng Edukasyon sa panahaon na ito. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pandemya na ating kinaharap ay isa sa dahilan kung bakit ang mga bata ay hirap o hindi makabasa.             Maraming eskwelahan ang gumagawa ng ibat-ibang proyekto tungkol sa pagbasa at marami ring mga guro ang…


Ang pagbabasa ay isang hamon sa Departamento ng Edukasyon sa panahaon na ito. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pandemya na ating kinaharap ay isa sa dahilan kung bakit ang mga bata ay hirap o hindi makabasa.

            Maraming eskwelahan ang gumagawa ng ibat-ibang proyekto tungkol sa pagbasa at marami ring mga guro ang gumagamit ng ibat-ibang estratihiya upang mapabasa o mapatuto ang bawat mag-aaral.

            Ang pagbabasa ay importanteng matutuhan ng isang bata o isang tao na tulad mo. Alam naman natin na ang pagbabasa ay isang kasanayan na dapat nating linganin at pag-aralan. Pagbasa isang salita na maaring mahirap para sa mga bata, lalo na kung sila ay hindi naturuan kung paano bumasa.

            Ang pagbasa ay ginagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay katulad ng kung paano ka dapat marunong bumilang. Bilang isang guro sa panahon na ito ginagawa namin

 ang lahat ng paraan upang ikaw na isang mag-aaral ay matutong bumasa mula sa A, E, I, O, U hanggang sa matutuhan mo ang pantigan na nagsisimula sa Ba, Be, Bi, Bo, Bu, sa paglipas ng panahon ay inaasahan namin  na ikaw ay makakabasa ng maikling istorya hanggang sa mahabng istorya na may kasamang pang -unawa. Ang mag- aaral na tulad mo ang dahilan kung bakit ang eskwelahan ay nanatiling bukas at lumalaban para ikaw ay may matutuhan na iyong dadalhin magpakailanman dahil gusto namin na ang “Lahat ng Bata ay Bumabasa”

By: Pearl Grace A. Gaspar|Teacher I | Our Lady of Lourdes Elementary School| Balanga City, Bataan