Isang kasiyahan kung ika’y ngitian
Kahit ‘di kakilala’y nakatutuwang tingnan
Saan man madako, kilala mga Pilipino d’yan
Matamis na ngiti lagging ‘di matatawaran
Sa mga problema’y di patitinag
Laging malakas, lagi ring matatag
Tibay ng loob, buntot ay ‘di bahag
Sapagkat tunay na Pilipino siyang sinasagisag
Sa panahon ng unos, pagtutulunga’y namamayani
Alitan sa isa’t isa’y isinasantabi
Pagmamahal sa kapuwa laging nagwawagi
Tunay na kayamanan ganitong pag-uugali
Baha, sunog, lindol, personal na problema
Pagdamay sa iba’y laging inuuna
Kaya’t hinahangaan mga lahi sa labas ng bansa
Positibong hinaharap lahat ng sakuna
Tunay ngang nakagagalak ng puso
Ang tawaging isang kang Pilipino
Bukod sa mga likas na yaman dito
Yaman din dito mga naninirahang tao