Maliwanag ang kapaligiran
Walang nagbabadyang anumalya
Tila hindi alintana ang init
Wari’y payapa yaong paligid.
Kaygaan sa dibdib,
Taglay nitong hangarin
Di mawari, ligayang natatamo
Gayong hindi alam kung saan ang tungo
Subalit kung gaano kagaan
Siyang bigat na hindi mo maalalayan
Gayong lumaban naman
Hindi pa rin mapunan ang kakulangan
Kay layo ng lalakbayin
Mukang kay hirap marating
Nais ko mang umusad
Kayrami namang hadlang
Maaari ngang dito nalang
May iba namang patutunguhan
para sa mga yapak na patakas
Tungo para naman bukas.
By: Perlie O. Serrano | Limay Polytechnic College