Papel na malinis at walang dumi kung pagmamasdan mo ito nga ay boring ngunit gamit pala nito sa tao ay sobrang kabilib-bilib.
Lapis na sa dulo ay may tulis na kung titingnan mo ay parang hindi kaakit-akit ngumit gamit pala nito ay marami.
Lapis at Papel madalas sa loob ng eskwelahan mo matatagpuan para gawain ay iyong maisulat at matutuhan.
Lapis na panulat sa pangalan, letra at bilang katuwang ang papel na pinagsusulatan ng sa gayon ang letra at bilang ay iyong mapag-aralan ng sa paaralan ikaw ay maging huwaran.
Ito ang mga gamit na madalas na makikita natin sa ating bagelya na laging dala-dala kahit saan man tayo magpunta, malaking tulong pala sila kasi pati utang ng kapit-bahay iyong maililista, presyo ng binili iyong malalagay sa papel na malinis na akala mo walang dumi, sa pagpirma sa mga dokumento na iyong inaayos lapis at papel ang iyong gamit ng promotion ay iyong makamit.
Lapis at Papel ay iyong mahalain dahil ito ang kasama mo sa araw-araw na gawain.
By: KAREN I. ZARAGOZA/ TEACHER I /BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL|BALANGA CITY, BATAAN