Lingkod ng Diyos

          SANAYSAY           Kung ang labing dalawang Apostol ang hinirang ni Kristong maging lingkod niya, sino sa kasalukuyan ang maihahalintulad sa kanila?           Sinasabing sa bawat gawain sa tuwina’y kasama natin ang Diyos. Maaaring ako raw ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago.           Ano…


          SANAYSAY

          Kung ang labing dalawang Apostol ang hinirang ni Kristong maging lingkod niya, sino sa kasalukuyan ang maihahalintulad sa kanila?

          Sinasabing sa bawat gawain sa tuwina’y kasama natin ang Diyos. Maaaring ako raw ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago.

          Ano nga ba ang mahusay na paglilingkod? Sino ang tamang paglingkuran?

         Habang tayo raway nananatili sa tamang gawa at patuloy na sumusunodsa utos ng Diyos at ang Diyos ay sumasaatin  na maituturing na “ Dakilang Paglilingkod”.

          Habang malungkot na pinapanood ng isang paretirong guro ang mga mag-aaral na tinuturuan niya, naluluhang binalikan niya sa isipan at binilang sa daliri ang mga batang dumaan sa kanyang buhay at naging matagumpay.

          Sa malakas na pagbasa ng “a,e,I,o,u” napalingon siya at masayang naalala ang pagtuturo nito. Ilang bata nga ba ang naturuan niyang bumasa? Hindi na niya mabilang, marami na talaga.

“Titser, inaaway ako”. Ang gagawin niyang paghinto sa pagtuturo ng aralin at ang pagbibigay ng pangaral kaugnay na aralin sa wastong pag-uugali  at kahalagahan ng pag-iwas sa pag-aaway.

“ Hoy, maglinis na rawtayo, lagot kayo kay Maam”. Walang sawa sapagpapalinis upang unti-unti nilang matutuhan at ang disiplina ng pagsunod.

“ Hindi Mommy, sabi ni Maam ganoon daw” an lubos na paniniwala ng bata sa lahat na turo niya. Na lahat ng turo niya bilib at naniniwala ang bata.Parasa kanya magaling talaga ang Maam niya.

“ Hindi ipapasa pa din ako ni Maam, mabait ‘yan”. Mga dakilang doctor na lahat kayang gamutin. Na ang sakit sa kamangmangan ay binabalewala ng mga bata na ang pangamba at lungkot ng guro sa natutuhan nila ay makakasapat na sa mas mataas na antas ng pag-aaral.

“ Mare ,uwi na tayo gabi na” bati ng isang kasamahang iiwan na niya.

“ Kailangang matapos ang tsart na ito gagamitin ko pa bukas.”

          Ay, oo nga  ilang bundle na  ban g manila paper ang nasulatan niya upang matuto ang nSulat ng napakahaba, buti may “ power point “ na. Hinahanap din ng katawan ang pagsusulat na ginagawa bago umuwi ng bahay, ano pa kaya ang isususlat ko bukas?

          Ang mga guro raw ay isa sa maituturing na Dakilang Lingkod ng Diyos upang magsilbing taga-akay sa mga kabataan.

          Napakalaki ng pananagutan ng isang guro sa bawat batang nagiging bahagi ng kanyang pagtuturo. Mas natututuhan ng mga bata an gating pag-uugali.kilos, pananalita na nagsisilbing modelo para sa kanila.Kadalasan mas sinasabihan ng problema, mas pinapakinggan.

          Magsasara na ang pinto ng paaralan, nag-alisan na ang lahat.  Bukas iba na ang buhay ni Maam ,huling arawna niya ngayon. Ibang paglilingkod na naman ang haharapin niya. Sana lang nakapaglingkod nga siya ng “tama”.

 

By: Marilou F. Amante | T-I | Bataan National High School | Balanga, Bataan