Lumalalang Sitwasyon ng Kapaligiran: Disiplina ang Kailangan

Berdeng  Kabundukan at Asul  na karagatan. Ganyan  ilarawan ang yamang lupa at yamang dagat noon. Ngunit pagmasdan mo ang iyong kapaligiran nasaan na ang berdeng kalangitan at asul na karagatan?.Dahil sa walang patid na pagkalbo ng kabundukan ang dating masaganang yamang lupa ngayo’y kalbo na.Tapon dito at tapon roon tingnan mo ang mga ilog at…


Berdeng  Kabundukan at Asul  na karagatan. Ganyan  ilarawan ang yamang lupa at yamang dagat noon. Ngunit pagmasdan mo ang iyong kapaligiran nasaan na ang berdeng kalangitan at asul na karagatan?.Dahil sa walang patid na pagkalbo ng kabundukan ang dating masaganang yamang lupa ngayo’y kalbo na.Tapon dito at tapon roon tingnan mo ang mga ilog at karagatan , dati’y kulay asul ngayo’y maitim na.

May dagat pa kayang malalanguyan ang susunod pang henerasyon?.Makapaglalaro pa ba ang mga bata sa lilim ng mga malalaking puno at mayayabong nitong mga sanga? .May pag-asa pa at hindi pa huli ang lahat. Tamang  pagtatapon ng basura at disiplina ang kailangan. Kung ang bawat isa ay mag kakaisa ay matutugunan natin ang daing ng kalikasan.

Disiplina sa sarili at malasakit sa kalikasan. Iyan ang kailangan upang sa mga darating pang panahon ay masilayan pa ng bawat kabataan ang magagandang tanawin na likha ng Poong Maykapal.

By: Jenilla Mae O. Rodrigo