Isang mundo na puno ng kuriosidad ang pagpasok ng mga ten-edyer sa sekondarya. Ito ang lebel na napakaraming katanungan na kailangan ng kasagutan mula sa mga murang kaisipan. Dito pumapasok ang mga eskupulasyon ng maagang pagbubuntis ng mga bata sa kanilang murang edad sapagkat ang tawag ng sekswalidad ay napakalakas sa kanila.
Lubhang napakalaking talakayan ang naungkat ng napabaliltang mamimigay ng kondom sa mga mag-aaral sa Hayskul ang DOH. Sari-saring opinyon ang naglabasan mula sa mga magulang ng mga mag-aaral. Ang DOH ay naglalayong mabawasan at maiwasan ang pagdami ng mga may HIV-AIDSna kaso sa ating bansa. Nilalayon nilang maiwasan ang teen-age pregnancy.
Ang kondom ay maaring magbigay ediya sa mga murang isipan ng mag-aaral kung epektibo ba o hindi ang mga ito. Lalo na may mga kaugalian ang mga kabataan na subukan ano mang bago sa kanilang paningin. Di kaya makasama lalo ito? Lalo silang maging “sexually conscious” kung kaya’t lalong tatas ang bilang ng teenage prergnancy. Nararapat munang pag-aralan ng DepEd at DOH ang panukalang ito. Ang paggising sa kuriosidad o malikot na pag-iisip ng mga kabataan sa sex ay maaaring isama sa kurikulum na pag-aaral nila . Ang tamang gabay ng mga magulang ay isa ring susi upang maiwasan ang ganitong problema. Ang kondom ay hindi candy, na pagbinigay dapat mong tikman!!!
By: JOEY R. CABRERA | Master Teacher I | Pagalanggang National High School