Hindi kailangan maging boring ang pag-aaral. Bilang mag-aaral, responsibilidad natin na makita ang kahalagahan nito at anu pa nga ba ang pinaka-epektibong pamamaraan upang maging masigla tayo sa araw-araw na pagpasok sa paaralan kungdi ang gawin itong masaya at kapana-panabik.
Narito ang ilang mga tips na maaari ninyong sundin upang maging epektibo ang inyong pag-aaral:
#1: Dapat maghanda bago pumasok sa klase.
- Kumain lamang ng pagkaing masusustansya
- Ugaliing mag-exercise
- Ihanda na ang lahat ng gamit na kailangan sa paaralan
#2: Maging aktibo sa klase
- “Take notes” o palaging magsulat ng notes
- Palaging magtaas ng kamay at sumagot sa klase
- Magtanong sa guro tungkol sa mga pinag-aaralan
#3: Ugaliing magreview pagkatapos ng klase
- Basahin at pag-aaralan ang notes na isinulat
- Bumuo ng group study upang malinawan sa mga topics na hindi naintindihan
- Sanayin ang pagbabasa ng textbooks at palagi gumawa ng assignments
Laging tatandaan, magiging epektibo lamang ang pag-aaral kung tayo mismo ay maglalaan ng panahon at pagtitiyaga na makamit ito. Ang pinakamabisang sandata ng isang mag-aaral ay ang kanyang kaalaman.
By: Mayette D.Tuazon, Teacher III | BNHS | Balanga, Bataan