MAESTRANG HERO

Maestra, Guro, Madam at Ma’am ilan lamang ito sa tawag na lagi nating naririnig sa loob at labas ng paaralan.           Sa loob ng paaralan si Ma’am ang ating pangalawang magulang tagabantay ng bata upang kapayapaan sa loob ng silid-aralan ay makamtan, di alintana ang bigat at dami ng trabaho basta para sa bata siya…


Maestra, Guro, Madam at Ma’am ilan lamang ito sa tawag na lagi nating naririnig sa loob at labas ng paaralan.

          Sa loob ng paaralan si Ma’am ang ating pangalawang magulang tagabantay ng bata upang kapayapaan sa loob ng silid-aralan ay makamtan, di alintana ang bigat at dami ng trabaho basta para sa bata siya ay laging ganado.

Si Ma’am na taga turong bumasa nagsimula sa abakada kaya’t kwento ay natapos mo na.

Si Ma’am na tinuruang kang sumulat ng iyong pangalan dahil daw ito ang nagbibigay sayo iyo ng iyong katauhan kaya’t sabi ni maam di ka uuwi sa tahanan hanggat pangalan mo ay di tama at kulang.

Si Ma’am na tinuruan kang bumilang ng sagayon numero ay di mo makalimutan ng pagbili sa tindahan bayad at sukli mo ay hindi kulang.

Si Ma’am na tinuruan kang magdasal ng sa gayon pananalig,paniniwala at pananampalataya ay iyong matutunan.

Doktor, Nars, Arkitekto, Inhenyero, Pulis at Bumbero lahat yan si ma’am ang nagturo.

Hero nga nating matatawag si Ma’am na dakila, dahil kabataan ay kanyang tinuruan para magandang bukas ng buhay ay kanilang maranasan.

Si Maestra na hindi lang dedikado si maestra na isang ring Hero, kaya’t tayo ay magpasalamat sa ating Maestrang Hero.

By: KAREN I. ZARAGOZA/ TEACHER I /BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL|BALANGA CITY, BATAAN