Taong 2014, mga mag-aaral, kayo ba ay patungo sa tamang direksyon ng pagkatuto? Nasa tamang daan ba kayo upang makatulong na sa pag-angat ng ating kabuhayan? Na sabi nga ni Pangulong Aquino ay “Tamang Daan”.
Sa paaralan at sa tahanan, lubos bang naibibigay sa iyo ang paghamon sa inyong kakakayahan upang mapaunlad ang inyong sarili, ang inyong kaalaman at kasanayan? Tinatanggap ba ninyo ang hamon at isinasabuhay?
Sa panahong ito ng inyong pag aaral ay higit ninyong kailangan ang pang unawa, pagtulong at suporta ng magulang at mga guro. Higit na makakabuti kung makikinig kayo sa kanila at ito ay makakatulong upang magamit ang inyong talino upang makalutas ng problema ng bayan.
Saan nga ba kayo patungo kung makatapos ng pag-aaral? Kilalang bansang Agrikultura ang Pilipinas. Anu kaya ang pwede ninyong magawa, maitulong upang magkaroon ng kapaki pakinabang na gawain upang maiahon sa kahirapan ang ating mga kababayan?
Dapat tayong mag-isip kung ano ang nararapat na gawin sa nangyayari sa ating kapaligiran, sa ating bansa. Paano ba tayo magtutulungan? Alin daan ba ang dapat piliin upang tahakin? Magsikap sa pag-aaral o magpabaya at patangay na lamang sa nangyayari sa araw-araw sa ating kapaligiran?
Ito ang mga katanungan na kayo — “MAG-AARAL” ang dapat sumagot. “Saan kayo patungo?”
By: Rhoda P. Parcon | Clerk | Limay National High School | Limay, Bataan