“MAG- IMPOK: YAN ANG AKING HIMOK”

Sa panahon ngayo’y di madali ang buhay, Sabi nga sa awiti’y dapat ka nang masanay. Wala ring mangyayari kung laging nakikibagay, Sa agos na lang ng buhay ika’y sumakay. Ngunit sa isipan nati’y ating ilagay, Takbo ng buhay sa atin nakasalalay. Sapagkat kung magtitiyaga, ika’y magsisikhay, Sa huli’y makakamit mo, ninanais na tagumpay. Sa buhay…


Sa panahon ngayo’y di madali ang buhay,

Sabi nga sa awiti’y dapat ka nang masanay.

Wala ring mangyayari kung laging nakikibagay,

Sa agos na lang ng buhay ika’y sumakay.

Ngunit sa isipan nati’y ating ilagay,

Takbo ng buhay sa atin nakasalalay.

Sapagkat kung magtitiyaga, ika’y magsisikhay,

Sa huli’y makakamit mo, ninanais na tagumpay.

Sa buhay na ito’y maraming kaakibat,

Mga pasakit at gulo na di mo na masukat.

Mga utang sa tindaha’y labis nang naisulat,

Huwag mo nang hintaying ito’y mabunyag, maiulat.

Bilin ng aking ama, anak mag- impok ka,

Kahit ma mamiso ito o puro barya.

May naimpok ka iyon ang mahalaga,

Sa huli’y may madudukot, di ka nganga.

Utang man kung minsa’y di maiwasan,

Mga PInoy nga siguro’y ito na ang kalikasan.

Ngunit paalala kapatid, minsan ito’y bawasan.

Upang dangal mo sa huli’y hindi mapintasan.

Sa tula kong ito atin nang tandaan,

Sa pag- iimpok maganda na ito’y simulan.

Maliit na barya’y kagyat mong tuunan,

Sa huli’y dadami, sa pag- iimpok ka yayaman.

By: Rodolfo N. Ariola, Jr. | T-I | Cabcaben Elementary School