Kamakailan lamang ay nagkaroon ng matinding bird flu outbreak sa bayan ng San Luis Pampanngana kung saan ay daan-daang mga manok ang namatay sa anim na farms sa nasabing bayan. Ayon sa Department of Agriculture, ang uri ng bird flu na dumapo sa Pampanga ay hindi gaanong delikado at ibayong pinag-iingat ang ipinayo nito sa mga residenteng naninirahan malapit dito. Pansamantalang naglagay ng quarantine at ipinagbawal ang paglabas ng anumang uri ng produktong maaaring magdala ng bird flu sa karatig bayan.
Ano nga ba ang bird flu? Ang bird flu na kilala din sa tawag n avian influenza ay isang viral infection na hindi lamang nakaka-epekto sa ibon kungdi sa tao at iba pang mga hayop. Karamihan sa mga uri nito ay limitado lamang sa mga ibon. Ang pinaka-common na uri nito ay ang H5N1 na kung saan lagpas kalahati ng mga bilang ng mga taong nahawa dito ay namatay.
Ang mga sintomas na mayroon kang bird flu ay ang pag-ubo, pagtatae, hirap sa paghinga, lagnat (over 100.4°F o 38°C), pananakit ng ulo at katawan, sipon at pananakit ng lalamunan. Ang paglipat ng naturang sakit mula sa ibon papunta sa tao ay sa pamamagitan ng paghawak sa tae ng ibon, sa sipon nito o sa kahit anumang lumalabas sa bibig o mata ng mga ito.
Malaki ang pag-asang mahawa ng bird flu ang mga nagta-trabaho sa farm, biyahero na pumupunta sa mga lugar na may outbreak, nag-aalaga ng mga ibong may sakit, mga taong kumakain ng hindi masyong nalutong poultry o itlog at mga nag-aalaga ng mga taong may bird flu.
Dapat tandaan na kapag naramdaman ang mga sintomas ng bird flu ay agad kumunsolta sa doctor upang malapatan ka ng karampatang lunas.
By: Mr.Leandro Malibiran | Teacher II | Bataan National High School | Balanga City, Bataan