MAG-INGAT SA HEAT STROKE

Sa bawat paglipas ng mga taon ay alintana na natin ang unti-unting pagbabago ng klima o “climate change”.  Lalo na sa ating bansa na katabi lamang ang Dagat Pasipiko kung saan namumuo ang mga bagyo.  Tuwing tag-ulan, nasanay na tayo sa mga sobrang lalakas ng mga bagyo o “Super Typhoon”.  Kapag naman panahon ng tag-init,…


Sa bawat paglipas ng mga taon ay alintana na natin ang unti-unting pagbabago ng klima o “climate change”.  Lalo na sa ating bansa na katabi lamang ang Dagat Pasipiko kung saan namumuo ang mga bagyo.  Tuwing tag-ulan, nasanay na tayo sa mga sobrang lalakas ng mga bagyo o “Super Typhoon”.  Kapag naman panahon ng tag-init, halos hindi na bumababa sa 40 degrees ang temperatura sa bawat panig ng ating bansa.  Araw-araw na lang kung mabalitaan natin na may bagong biktima na naman ang “heat stroke.”

            Ang heat stroke ay isang kondisyon mula sa sobrang pag-init ng ating katawan na kadalasan ay dulot ng matagal na pagkakabilad sa araw o sobrang pagod sa mga lugar na mainit o maalinsangan.  Ito ay mangyayari lamang kung ang temperatura ng katawan mo ay umabot o lumagpas ng 104 F o 40 C.  Kapag ito ay nangyari, dapat maging alisto dahil kapag hindi ito agad naagapan ay mapipinsala ang utak, puso, bato at muscles.  Sa ibang kaso, maaari pa itong magdulot ng kamatayan.

            Ngunit dapat nating tatandaan na ang pinakamabisang paraan para labanan ang kahit anung kondisyon ay ang pag-iwas.  Maiiwasan natin ang heat stroke sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Pagsuot ng maluluwag at preskong pananamit.
  • Iwasan ang sunburn dahil ito ay nakakaapekto sa kayayahan ng katawan na palamigin ang sarili.
  • Palaging uminom ng maraming tubig.
  • Pag-ibayuhin ang pag-iingat ng mga taong may sakit sa puso.
  • Huwag hayaang manatili ng matagal sa loob ng isang nakaparadang sasakyan.
  • Huwag masyadong magpagod o kaya manatili lamang sa loob ng bahay sa oras na kung saan matindi ang sikat ng araw.

By: Alain T. Morales