Maraming mga guroa ng patuloy na humahanap at nagsasaliksik ng mga paraan upang medaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paksa o aralin na kanilang itinuturo. Ang isang istratehiya na subok na ang pagiging epektivo sa pagbibigay ng magandang resulta ay ang paggamit ng mga Graphic Organizers. Ito ay ay biswal na representasyon ng paghahanay o pagpapakita ng mga kaugnayan sa pagitan ng mga bagay,o mga ideya na nakapaloob sa isang paksa.
Ang graphic organizer ay may iba’t-ibang disenyo ayon sa gamit at pangangailangan. Tinatawag din itong Knowledge Map, Concept Map, Story Maps, Cognitive Organizer o Concept Diagram.Maraming uring graphic organizer ayon sa kaangkupan ng paksa o aaralin.
- Deskriptiv o MapangTematik–ito ay ginagamit kung ang paksa ay ang pagsasaayos ng magkakaugnay na impormasyon.
- Network Tree-ginagamit sa pagsunod-sunod ng mga impormasyon maaaring mula sa mataas pababa o mababa pataas.
- Spider Map- ginagamit kun/g ang mga impormasyon ay may kinalaman sa pagtalakay ng main idea .
- Problem and Solution Map- ginagamit Map ay mas maiging gamitin sa pagbubuo o paglalahad ng mga suliranin at solusyon.
- Sequential Episodic Map – ginagamit sa pagtukoy ng sanhi at dahilan ng isang pangyayari
- Contrastive at Comparative map-ginagamit sa paghahambing at pagkakaiba
Ang iba pang mga uri ay Continuum Scale, Cycle Map, at Human Interaction Outline. Ang mga graphic organizers ay magagamit sa halos lahat ng subject areas, ngunit lalo’t-higit nai to ay mainam gamitin sa pagbasa.
Sanggunian:
Tracey Hall & Nicole Strangman National Center on Accessing the General Curriculum
http://www.graphic.org/index.html
By: Mrs. Teodora S. Sulangi | Teacher III | NAGBALAYONG HIGH SCHOOL | Nagbalayong, Morong, Bataan