Ikaw ba ay isang nanay/magulang? Naranasan mo na ba ang lungkot at saya ng isang nanay/magulang? Kung oo , kasama ka sa kwento ko. Mahirap daw maging nanay /magulang kung may anak kang matigas ang ulo at pasaway . Pero sa akin yan ay challenge sa isang magulang. Challenge kung paano mo patitinuin ang iyong anak. Hindi habang buhay pasaway ang isang bata, dumarating ang panahon , nagbabago din sya. Lahat naman kasi nagbabago.
Ang pagiging magulang ay nangangailangan ng ibayong pagsisikap upang maging maayos ang pamilya. Nangangailangan ito ng pasensya, higit sa lahat ng pagmamahal sa mga batang ipinagkaloob ng Diyos. Nangangailangan din ng gabay ng Diyos upang maging maayos ang buhay pamilya. Gawing sentro ng pamilya ang Panginoong Diyos at siguradong ang bawat pamilya ay pagpapalain ng Panginoon.
Ang pagiging magulang ay panghabang buhay na commitment. Hindi ito natatapos sa pagtatapos ng mga anak at pagiging matagumpay nila sa buhay , ito ay patuloy pari hanggang sa mawala sa mundong ginagalawan. Ang mga anak ay patuloy na ginagabayan kahit na sila ay lumagay na sa tahimik na buhay(pag-aasawa). Tagumpay ng mga anak ay tagumpay ng magulang.
By: Enriqueta G. Uman|Teacher III|Olongapo City National High School | Olongapo City