MAHALAGA BANG MALAMAN NG MGA GURO ANG LEARNING STYLES NG MGA MAG-AARAL?

Walang tigil ang mga guro sa paghahanap ng mga istratehiya upang lalo pang sumigla ang talakayan sa loob ng silid-aralan at upang madaling matutunan at maunawaan ang aralin ng mga mag-aaral.             Ang bawat mag-aaral ay may sariling kakayahan. Kaya ang bawat guro ay kailangang mahusay kumilala at mag-obserba ng mga taglay na katangian ng…


Walang tigil ang mga guro sa paghahanap ng mga istratehiya upang lalo pang sumigla ang talakayan sa loob ng silid-aralan at upang madaling matutunan at maunawaan ang aralin ng mga mag-aaral.

            Ang bawat mag-aaral ay may sariling kakayahan. Kaya ang bawat guro ay kailangang mahusay kumilala at mag-obserba ng mga taglay na katangian ng isang mag-aaral. Ang bawat mag-aaral ay may iba’t-ibang academic behavior at academic performance sa loob ng silid aralan.

            Ayon sa mga pag-aaral, kung ang isang guro ay malilinang pa ang istilo niya sa pagtuturo ayon sa istilo ng pag-aaral ng mga estudyante ay nagkakaroon ng pagbabago tungo sa pag-unlad ang performans ng mga mgag-aaral.

            Ang sabi ni Henry Tenedero, may akda ng aklat na Breaking The IQ Myth, “Ang istilo sa pagkatuto ng isang bata ay ang paraan ng kanyang pagkatuto na kung saan ay nagagawa niyang mapanatili ang kanyang mga kaalaman.”

            Ayon sa Dunin and Dunn Lerning Styles Models, ang mga batnag mag-aaral ay may taglay na mga katangian na madaling makaakma sa kanyang kapaligiran. Karamihan sa kanila ay may kanya-kanyang istilo ng pagkatuto at ito ay naiiba sa karamihan.

            Maaring ang isang bata ay madaling matuto kung siya ay gumaganap sa mga role-play, o dili naman kaya siya ay nagtatala ng mga sinasabi ng guro. Meron ding mga mag-aaral namadaling matuto kung ang guro ay gumagamit ng mga visual display o iba png Visual aids. Mayroon din namang madaling makapagmemorya ng mga tula, kwento o iba pang uri ng panitikan. Mayroon namang magaling sa matematika, sa drawing o sa iba’t-ibang laro at paligsahan.

            Kung anumang istilo madaling matuto ang isang mag-aaral, ang guro ay kailangang maging mapagmasid at may kahandaan sa kanyang gagamiting istratehiya.  Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng guro ng isang imbentaryo ay malalaman niya ang mga learning styles ng mga bata.

            Malaking tulong sa guro kung malalaman mo ang istilo ng mga bata sa pag-aaral.

 

Sanggunian:

Tenedero, H. Breaking the IQ Myth. Henyo Publications Manila (1998)

By: Lilian L. dela Rosa | Teacher III | Samal National High School | Samal, Bataan