Maingay na silid-aralan
Ito’y puno ng mga bata
Batang mga sabik matuto
Tungkol sa paligid
Na kanilang ginagalawan
Maingay na silid-aralan
Ito’y puno ng mga bata
Batang pag-asa ng bayan
Tungo sa magandang kinabukasan
Na kanilang gagalawan
Maingay na silid-aralan
Ito’y puno ng mga bata
Batang may kumpiyansa sa sarili
Salamat sa magigiting na guro
Na naniwala sa kanilang kakayahan
By: Mr. Noel Aratan Mendoza