MAKABAGONG GURO NG K TO 12

Dapat bang tawagin makabagongguro ang mga nagsunog ng kilay sa bagong anyo ng kurikulum? Karaniwan na nagbibihis ang ating istrukturang pang-edukasyon ay nababago kapag may mga  bagong nauupo sa pamahalaan. Tulad ng pag-upo ng Pangulong Aquino, inilatag niya sa kaniyang agenda bilang sampu ang “basic education” ang K to 12 program. Sa kasalukuyang panahon, ito…


Dapat bang tawagin makabagongguro ang mga nagsunog ng kilay sa bagong anyo ng kurikulum?

Karaniwan na nagbibihis ang ating istrukturang pang-edukasyon ay nababago kapag may mga  bagong nauupo sa pamahalaan. Tulad ng pag-upo ng Pangulong Aquino, inilatag niya sa kaniyang agenda bilang sampu ang “basic education” ang K to 12 program. Sa kasalukuyang panahon, ito ay sumapit nasa ikawalong grado na. Naniniwala sila na sa pamamagitan ng programang ito ay mapapabuti ang sistema ng edukasyon.

Ayon sa balita, sa Pilipinas isinabay ang K to 12 program sa kalakaran ng sistema ng edukasyon sa Estados Unidos. Kapansin-pansin sa programang ito ang unang ikaapat na taon sa pag-aaral ay tinatawag na Junior High School at ang dalawang taong sumunod ay tinatawag na Senior Highschool na kung saan inaasahan na ang mga estudyante ay may kahandaan na sa pagpasok sa larangan ng paghahanap-buhay.

Ang bagong kurikulum ay kinapapalooban ng bagong sistema ng pagtuturo at iba’t ibang asignatura na kung saan ang pag-aaral ay umaabot lamang sa tatlo at ikaapat na araw. Samantala, ang ikaapat at ikalimang araw ay ang tinatawag na “cooperative learning day” na kung saan ang  mga estudyante ay may kalayaang gumawa para sa kanilang sarili. Mayroon lang isang guro na tatayo upang magbigay ng panuntunan at magbantay.

Maituturing na makabago ang mga guro sa bagong kurikulum sapagkat ito ay may malaking kaibahan sa mga dating kurikulum na lumipas. Sa ganitong sistema ang mga guro ay dapat makaagapay sa mga nakalatag na pagbabago na kung saan ang isang guro ay hinihilingan na maging pro-active, creative at flexible sa kanilang paraan ng pagtururo. Sa ganitong paraan ang mga estudyante ay mahihikayat na magsumikap sa kanilang pag-aaral at ituturing nila ang pag-aaral bilang isang mahalagang aspekto ng kanilang buhay hindi isang pampalipas panahon lamang.

Mahalaga rin na maipakita ng isang guro sa kaniyang pagtuturo na ang bata ay nasisiyahan sa kaniyang pag-aaral pamamagitan ng maayos na pagkakaroon ng iba’t ibang estratihiya sa pagtuturo na kung saan ang estudyante mismo ang kikilos upang matuto sa pamamagitan ng paggabay ng kaniyang guro.

Maaaring hamon ang nakaabang sa mga gurong ito dahil sa kakulangan ng mga printed out na modules at iba pang materyales sa pag-aaral. Upang harapin ang mga hamong ito ang mga guro mismo ang gumagawa ng mga paraan na mapunan ang mga pagkukulang nang sa gayon ay maituro sa mga estudyante ng may kahusayan ang mga asignatura.

Gayunpaman, may malaking bahagi ang ating pamahalaan upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga guro at estudyante upang higit na mapag-ibayo ang implementasyon ng    K to 12 program.

Maituturing na ang isang adhikain na hindi pinagtulungan at hindi pinagtuunan ng pansin ay parang bula na sa simula ay maningning ngunit  sa bandang huli ay naglalaho rin.

Ang pagiging makabagong guro ay isang hamon………

By: Alma M. Sico | Teacher I | Pablo Roman National High School | Pilar, Bataan