Ang mga isinilang sa pagitan ng mga taong 1995-2009 ay nabibilang sa tinatawag ng Generation Z o Gen Z. Sila ay kilala din sa katawagang iGeneration, Gen Tech, Gen Wi, Net Gen, Digital Natives at Plurals. Kilala sila sa ganitong katawagan dahil pata pa sila ay bihasa na sila sa paggamit ng mga elektronikong teknolohiya, kagaya ng Internet at iba pang gamit.
Sila din ang henrasyon na sinsabing mas natuto sa pmamagitan ng paggamit ng ibat- ibang gadgets kagaya ng cellphone, laptop, computer at projectors. Sa pananaliksik o pagsisiyasat sanay sila sa paghahanap ng mga kailangan nilang impormasyon gamit ang mga makabagong teknolohiya. Para sa kanila ay mas mabilis ang pananaliksik nila kumpara sa mga ibang sanggunian. Mahalaga rin na gamit ng mga guro sa pagtuturo ang powerpoint presentation, videos at iba’t ibang applications, sa pamamagitan nito ay mauunawaan lalo ng mga mag-aaral ang arling tinatalakay sa pamamagitan ng paggamit ng mga biswal, kagaya ng mga larawan ng tao, hayop at iba’t iba pang mga bagay.
Ang henerasyon sa kasalukuyan ang mga elektronikong kagamitan ang pangunahing kaagapay sa pagkatuto ng mga aralin at iba pang talakayan. Ngunit dapat ding paalalahanan ang mga mag-aaral na ang labis na paggamit ng teknolohiya ay makasasama din sa kanilang kalusugan.
Bilang isang guro ay dapat din magsumikap sa pananaliksik at pagsubok sa iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng aralin upang lalo pang maging isang produktibong guro sa mga mag-aaral. Nakababagot din para sa isang mag-aaral ang mga tradisyunal na paraan ng pagtuturo, bagama’t hindi naman sinasabing tuluyan na itong kalimutan.
By: Nancy S. Estrella|Teacher II|Bataan National High School| Balanga City, Bataan