Makabagong Teknolohiya at Edukasyon

         Marami sa mga kabataan natin ngayon ang may mga mabababang marka. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa kanila sa klase. Ito marahil ay sa dahilang marami na silang pinagkakaabalahan bukod sa kanilang pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan sa ating bansa…


         Marami sa mga kabataan natin ngayon ang may mga mabababang marka. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa kanila sa klase. Ito marahil ay sa dahilang marami na silang pinagkakaabalahan bukod sa kanilang pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan sa ating bansa at maging sa ibang bansa man. Ang mga makabagong kagamitang ito o mga “ gadgets “ ay ang mga kinalolokohan na ngayon ng maraming mag-aaral ng Pilipinas. Ito ang gaming ang pimiling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin pansin .Lalo na sa mga klase, na imbes na libro at bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga dala nila ay PSP, I Pod, Laptop, at Cellphone.

        Ang mga naunang pag-aaral patungkol sa mga kadahilanang kung bakit mabababa ang mga grado na kanilang nakukuha sa paaralan ay may kinalaman lamang sa problema sa pamilya, lugar kung saan sila nakatira, ang tinatawag na “study habits “ at iba pa. Ngunit dahil ngayon lang lumabas ang PSP, I Pod, Laptop, at Cellphone wala pang pag-aaral ang naglalayong alamin ang mga epekto ng mga makabagong ito sa mga mag-aaral. Napakahalaga na alamin ang epekto ng makabagong teknolohiyang ito sa pag-aaral, sapagkat marami sa mga kabataan ngayon ay may mga mabababang marka at isa sa mga pangunahing dahilan ay nababaling ang kanilang atensyon at oras sa paglalaro o paggamit ng makabagong kagamitan imbes sa pag-aaral. Dati ay sinasabing ang edukasyon lamang ang hindi mananakaw sa isang tao, ngunit ngayon sa pagsulpot ng mga makabagong kagamitan ngayon, hindi ba’t ninanakaw nito ang oras na dapat sana’y sa edukasyon lamang nakalaan.

By: Girlie F. Sanchez | MT-1 | Alasasin Elem. School | Alasasin Mariveles Bataan