Hindi dahil mahirap ka, mababa lang ang pwesto mo sa lipunan. Hindi dahil mahirap ka, hindi mo na kakayaning pagsilbihan ang ating bayan. Hindi dahil mahirap ka, mananatili kang mahirap sa paningin ng ibang tao.
Ang mga paaralan ay hindi lamang institusyong pang-akademiya dahil ito rin ay maaring maging isang ‘training ground’ ng mga kabataan upang maihanda silang maiharap ang kanilang sarili sa reyalidad ng buhay. Dahil hindi madali ang makipagsapalaran sa mga hamon na ibinabato sa atin. At hindi tayo makakaahon sa mga hamong ito kung kapos an gating kamalayan. Kaya nga nilikha ang edukasyoon, upang hubugin an gating pagkatao, linangin ang ating kakayahan at bigyan tayo ng kaalaman.
Hindi ba tayo nababahala sa mga taong hindi nakakapag-aral? Kung nais natin ang progreso sa ating bansa, ito’y nasa kamay ng mga musmos sa kasalukuyan. Kaya’t nararapat lamang na sila’y makapasok sa apat na sulok ng silid-aralan at ipagkaloob ang karapatan nilang mag-aral. Dahil ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Ayon sa teorya, maliban sa kamatayan, edukasyon ang masasabing “great social equalizer”. Dahil dito, nagiging pantay ang pagkakataon sa lipunan ng mga mamamaya’t mahihirap. May paniniwala rin na sa isang mulat at edukadong lipunan, edukasyon din ang pinakamahusay na tagapagtaguyod ng demokarsya.
Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng mga oportunidad. Kung tayo ay mayroon nito, magagawa nating buksan ang mga pagkakataong tamasahin ang mga magagandang bagay na pinapangarap ng karamihan. Kaya’t ang bawat isa ay may kakayahang pataasin pa ang kalidad nito upang mas lalong kapaki-pakinabang para sa lahat.
Hindi hadlang ang kahirapan sa taong gustong magsumikap. Dahil edukasyon ang tanging sagot upang maibsan ang kahirapan – pisikal, material at espiritwal man.
By: Gng. ANELLEN G. FERNANDEZ | T-I | BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL | BALANGA, BATAAN