MASARAP MAGING GURO!

Masarap maging guro, Yan ang salitang winika ng lola ko. Hindi ko mawari kung ito ba’y totoo, Ngunit ngayo’y akin nang napagtanto. Dalawang kurso noo’y ang aking pinagpipilian, Maging nars o guro, ano’t di ko malaman. Ang una’y lubos kong kinahihiligan, Ngunit ang isa’y madalas ko lang na pag- isipan. Hanggang sa huli ako’y nakapagdesisyon,…


Masarap maging guro,

Yan ang salitang winika ng lola ko.

Hindi ko mawari kung ito ba’y totoo,

Ngunit ngayo’y akin nang napagtanto.

Dalawang kurso noo’y ang aking pinagpipilian,

Maging nars o guro, ano’t di ko malaman.

Ang una’y lubos kong kinahihiligan,

Ngunit ang isa’y madalas ko lang na pag- isipan.

Hanggang sa huli ako’y nakapagdesisyon,

Sa hirap ng buhay, hikahos ang kondisyon.

Sa huli pala’y pipiliin ko pa ring propesyon,

Ang kurso na ang tawag ay Education.

Sa tulong ng Diyos ako’y nakatapos,

Mga paghihirap, tuluyan nang nairaos.

Mga magulang ko’t kapatid, nagsaya ng lubos,

Lalo na ng maipasa ko, Board exam na itinuos.

Noong ako’y nasa serbisyo na,

Hindi pala laging puro saya.

Kunsomisyon, trabaho, pasanin mo sa tuwina,

Isama mo pa ang ingay ng mga bata.

Minsan nga sinasabi kong ayoko na,

Sa dami ng inaayos, hindi ko na kaya.

Pagkat kung minsan ay kinakapos ka na.

Ngunit madalas ay talagang pagod ka na.

Ngunit sa huli masasabi ko pa rin,

Pagiging guro, kay sarap lasapin.

Ang kagalingan ng mga bata, natatamasa natin

Nagsisilbi tayong ilaw, pag- asa ng  bayan natin.

Sa ating mga guro sadyang nakasalalay,

Kapalaran ng mga kabataan, tayo’y kanilang gabay.

Sa pagtahak nila dini sa landas nitong buhay,

Upang kanilang marating, inaasam na tagumpay.

By: Rodolfo N. Ariola, Jr.