Sabi nila masarap daw ang buhay highschool, cutting doon, kopya dito, lablayp doon. Naku parang di naman sa loob ng tatlong taon parang di ko naman naranasan ang mga yan maliban na lang sa pagkopya. Mga teacher na di mo maintindihan kung nagtuturo baga, kesyo gawa journal, film making, at magsaolo ng 14 na saknong, watta life talaga. Patay na si Rizal pilit pang binubuhay, isang teacher pa lang yan na sa tuwing nagtuturo nakakatamad (patawad aking guro) Teacher na kala mo may galit sa mundo kung magpaquiz nakakatuyo ng utak. Sabi nga kung may ayaw, syempre may gusto. Buti na lang may mga gurong napakaunderstanding mother like ika nga, kaya love na love ko ang amingt English Teacher, siguro hindi lang ako ang may gusto sa paraan ng kanyang pagtuturo kaya nakakainis lang ang ibang nagsasabing hindi sya nagtuturo. At sa mga gurong makapagbigay ng mga gawain ay parang wala nang bukas, parang hindi nila naisip na hindi lang sila ang mga gurong nagbibigay sa amin ng mga gawain, pag nagreklamo ka sasabihin magpalit na lang kayo ng posisyon. Hay nako, hindi ko lang talaga maintindihan kung ang mga SSC at STAR lang kaya ang nakakaranas nito o pati ang mga regular class, at saka kailangan ba talagang sabay sabay magpaquiz, project at kung anek anek pa. Hinay hinay lang naman, iisa lang ako, 10 sila. Pero iniisip ko, okay lang ito, makakaya namin ito dahil parte ito nang buhay ang mahirapan. Sabi nga, pag may tyaga, may nilaga.
By: Lea M. Antalan | Master Teacher II | Limay National High School | Limay, Bataan