Matalinong Guro at Matiyagang Guro

Ang mga mag-aaral ay may iba’t-ibang katangian gayundin ang ating mga guro na patuloy na nagbibigay serbisyo para sa kalidad na edukasyon. May mga gurong strikto, mabait, masungit, masarap kausap at napakahusay magturo at magdisiplina ng kanyang mga mag-aaral. Ngunit mayroong dalawang uri ng guro ang matalino at matiyaga. Alam naman natin na ang talino…


Ang mga mag-aaral ay may iba’t-ibang katangian gayundin ang ating mga guro na patuloy na nagbibigay serbisyo para sa kalidad na edukasyon. May mga gurong strikto, mabait, masungit, masarap kausap at napakahusay magturo at magdisiplina ng kanyang mga mag-aaral. Ngunit mayroong dalawang uri ng guro ang matalino at matiyaga. Alam naman natin na ang talino ay isa sa mga dapat taglayin ng isang guro. Talino na kanyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mga mag-aaral tulad ng imbensyon at bagong pagtuklas. Ngunit sapat ba ang talino para sa mabuting pagkatuto ng mag-aaral? May mga nagsasabi na oo, mayroon din naman nagsasabi na hindi. Marahil oo, dahil tama nga naman ano ang maibabahagi mo sa mag-aaral mo kung ikaw sa sarili mo ay walang nalalaman. Ngunit pwedeng hindi rin dahil maaaring basta ka na lamang nagturo ngunit hindi tiyak na may natutunan ang iyong mga mag-aaral dahil para sa iyo ay naibahagi mo na ang kaalaman na iyo ring natutunan. Ano nga ba talaga? Nakakalito ano? Ngunit may isa pang katangian na dapat taglayin ng isang guro ang pagiging matiyaga. Matiyaga si Ma’am o si Sir sa lahat ng paraan ngunit hindi siya katalinuhan pero matiyaga niyang natuturuan ang kanyang mga mag-aaral at kung susuriin talagang nagbubunga ng maganda ang kanyang dedikasyon sa kanyang ginagawa. Hindi lahat ng bata ay natuto ngunit ang karamihan ay nagkaroon ng kaalaman. At hindi man siya katalinuhan ngunit matiyaga niyang inaaral ang mga aralin na ibabahagi niya sa kanyang mag-aaral. Kung papipiliin ka sa matalinong guro o sa matiyagang guro mo nais mapunta? Siguro mas maganda kung ang isang guro ay may ganitong katangian marahil magiging maayos ang lahat bukod pa roon magkakaroon ng kalidad na edukasyon ang bawat isa at maraming kabataan ang matuto ng maayos at tama dahil  sa kanilang magiging dedikasyon sa kanilang serbisyo.

By: Rheniel B. Gatdula | T-III | Capunitan Elementary School