May Pangarap ka bang maging Isang Manunulat ng Kuwentong Pambata?

    Nag-uugat ang pagiging magaling na manunulat ng mga Kwentong Pambata, una sa lahat ay mula sa karanasan na makarinig ng mga kwento mula sa mga magulang o mga kapatid. Habang binabasahan ka ng kuwento, ikaw ay mutumang nakikinig sa kuwentong pambata. Ginagawa nila ito bago ka matulog. Narinig mo na sa kanila ang mga…


    Nag-uugat ang pagiging magaling na manunulat ng mga Kwentong Pambata, una sa lahat ay mula sa karanasan na makarinig ng mga kwento mula sa mga magulang o mga kapatid. Habang binabasahan ka ng kuwento, ikaw ay mutumang nakikinig sa kuwentong pambata. Ginagawa nila ito bago ka matulog. Narinig mo na sa kanila ang mga kuwentong “Ang Leon at ang daga”, “Ang Tatlong Biik”, Ang Duwendeng Sakim” ni Ronald Fababien at mga kuwentong pambata ni Dr. Luis Gatmaitan kagaya ng “ May mga lihim kami ni Ingkong”, Sandosenang Sapatos” at mga Kwento ni Lola Basyang, kagaya ng “Alamat ng Lamok”  at ang “Binibining Tumalo sa Mahal Na Hari”.

             Isa pang nagbibigay ng inspirasyon upang makasulat ka ng kwento na akma para sa magaaral sa highschool ay ang pagbabasa ng mga kwentong  “Ang Kalupi” ni Benjamin P. Pascual”, “ Regalo sa Guro”, at “ Ang Inapi”.

             Makakakuha ka din ng inspirasyon mula sa mga kwentong binalangkas at naisulat mo ng maayos, at ang mga ito ay batay sa sarili mong mga karanasan. Halimbawa noong ikaw ay Grade 3 ay lumipat kayo ng tirahan. Nagkaroon ka ng kaibigan o noong  unang  beses kayong  nagkaroon ng sasakyan. Tuwang tuwa ka at pakaway kaway ka pa sa mga kakilala.

             Pagdaan ng ilang panahon, nakakasama mo ang mga pinsan mong babae at lalaki. Tinatandaan mo ang kanilang mga kwento na naisip mo pwede mo ring magamit sa iyong pangtatangka  na magsulat ng mga maikling kuwento.

             Kung talagang pangarap moa ng maging manunulat ng mga kuwento, siguro mas maganda kung patuloy kang magbabasa ng gawa ng ibang manunulat. Pag aralan moa ng iba’t ibang istilo. Balang araw ay magiging isang sikat na kuwentista ka rin.

 

Sanggunian:

 Luis Gatmaitan

OMF Literature 2008

By: Rochelle G. Paguio | Teacher I-Filipino Department | BNHS | Balanga City, Bataan