May Pera sa Basura

Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, bukas ang aking isipan tungkol sa problema ng bansa sa ating mga basura. Sadyang nakakalungkot ngunit kailangang tanggapin na tayong mga Filipino ay walang disiplina pagdating sa basura.                 Paglabas pa lang natin sa ating tahanan, mapapansin na ang tambak ng basura sa kapaligiran. Wala tayong pakundangan sa…


Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, bukas ang aking isipan tungkol sa problema ng bansa sa ating mga basura. Sadyang nakakalungkot ngunit kailangang tanggapin na tayong mga Filipino ay walang disiplina pagdating sa basura.

 

 

            Paglabas pa lang natin sa ating tahanan, mapapansin na ang tambak ng basura sa kapaligiran. Wala tayong pakundangan sa pagtapon. Tapon doon, tapon dito. Mapapansin sa araw-araw ang mabahong amoy at mala gabundok na basura sa kapaligiran. Alam natin na ito ay nagiging sanhi ng pagdumi n gating kapaligiran at n gating hanging nilalanghap.

 

            Bilang isang guro, alam ko rin ang problema sa salapi ng ating pamahalaan lalo na ng ating lokal na pamahalaan. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming mga proyekto ng ating paaralan na hindi natutugunan. Sinasabing ang magaganda at epektibong proyekto ay nauudlot dahil sa ating kakulangan sa pananalapi. Dahil dito kaming mga guro, punong-guro kasama ang mga mag-aaral tulad ng Supreme Pupil Government (SPG) ay nagkaisa na humanap ng alternatibong paraan para maisakatuparan ang aming mga proyekto.

 

 

            Napagkasunduan ng lahat ang isang ideya na tinatawag na “May pera sa Basura”. Hindi naman kasi ng basura ay hindi na pwedeng pakinabangan. Ang ilan sa mga ito ay maari rin mapagkakitaan. Tulad ng mga plastic na bote, dyaryo, papel, at bote ay aming inipon at pinagbibili sa junk shop.

 

            Sadyang madali makakuha ng basura.  Madali rin ang kumita gamit ang mga basurang ito. Nakakatulong na kami mabawasan ang basura sa paligid unti unti ring nawawala ang epektong polusyon nito sa paligid kasabay nito kumikita pa kami na nagagamit namin sa pagtutus sa aming mga proyekto tulad ng school feeding. Na tanging mga marilitang mga istudyante ang higit na nakikinabang.

            Maipagmamalaking malaki ang naitutulong ng basura. Huwag nating sayangin ang mga ito. Sama-sama nating ipunin at gawing pera. Ang kita sa basurang ito ay nagagamit ng paaralang higit sa lahat ng mga mag-aaral.

 

            Tara sama-sama nating abutin ang mga pangarap ng ating mag-aaral.

By: Edwin G. Agustin | Teacher III | Bagumbayan Elementary School | Pilar, Bataan