Bata pa lang ako, dumanas na ako ng iba’t ibang hamon sa buhay. Lumaki ako sa Bicol na salat sa yaman ngunit may masayang pamilya. Sa aking paglaki, uniti-unti akong nangarap sa buhay, pangarap na makaahon sa kahirapan, bigyan ng kaginhawaan ang aking pamilya.
Sa una, hindi ko alam kung paano magsisimula dahil sa hindi ko alam kung paano magsisimula dahil sa hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral.ngunit laking pasasalamat ko sa aking dalawang kaibigan, tinulungan nila ako na madiskubre ang aking talent, ang pagpipinta. Mahirap man sa simula pero… kung may pangarap ka, kaialngan mong magtiyaga, at harapin ang mga pgaubok upang maabnot ang akling tagumpay.
Sa awa ng Diyos ay unti-unit kong nahasa ang aking talent sa pagpipinta na naging sandata ko upang makaahon sa hirap, mabagal man ang proseso ay naging kabalikat ko ang aking mga gamit sa pagpipintura na naging daan upang ako’y makarating sa iba’t ibang lugar.
Ngayon, lagi pa rin akong nagpapasalamat sa aking kaibigan at higit sa lahat sa Panginoon sa patuloy na paggabay at pagbibigay na talent. Napag-aral ko ang aking mga anak na mahuhusay sa kani-kanilang larangan, wala na akong mahihiling pa sapagkat natupad ko ang aking pangarap na magkaroon ng kaginhawaan sa buhay.
Bilang pasasalamat, nais kong ibahagi ang aking talent sa mga kabataang nagmamahal sa sining.
By: Alex A. Serrano| Painter| BNHS | Balanga City, Bataan