Limang (5) taong may iba’t ibang personalidad at pananaw ang naghahangad ng iisang pwesto, ang maging isang bagong lider ng bansa. May kanya-kanyang dahilan upang mapabuti ang sistema ng gobyerno at ng bansa. Ngunit isa lamang ang dapat magwagi. At nito ngang ika-30 ng Mayo taong 2016 ay naiproklama na bilang bagong Pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte.
Maraming nanghusga sa unang paglabas at pagdeklara sa paghabol ni Mayor Duterte. Iba’t ibang pahayag patungkol sa kanyang ugali at pananalita. Maraming balakid at batikos ang kanyang nakuha sa mga tao. Kinuwestyon ang kanyang mga plataporma at ang kanyang kakayahan. Subalit pintunayan nya ang kanyang sarili sa taong bayan na siya ang nararapat maging pinuno ng bansa.
Ilang milyong mamamayan ng bansa ang nagtiwala kay Pangulong Duterte. Ilang milyon ang sumuporta sa kanya upang maging pangulo. At buong bansa ang nag-aabang sa kanyang kakayahang mamuno at manguna sa tuwid na pamamalakad. Sa kasalukuyang taon at susunod pang mga taon ng kanyang pamumuno , ano nga ba ang inaasahan o aasahan ng mga Pilipino sa ating bagong Pangulo? Siya na nga ba ang magiging instrumento para sa isang tuwid na daan at pagbabago?
By: Angelica V. Tabungar