Mensahe ng Diyos

EFESO 6:1-3 6 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa Panginoon] sapagkat ito ang nararapat. 2 “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: 3 “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.” Isa sa unang regalo sa atin ng ating Panginoon ay ang ating pamilya lalo ang ating mga magulang.…


EFESO 6:1-3

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa Panginoon] sapagkat ito ang nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”

Isa sa unang regalo sa atin ng ating Panginoon ay ang ating pamilya lalo ang ating mga magulang.

Sa talata ay pinapaalalahanan tayo na dapat nating igalang ang ating mga magulang, hindi lang dahil sa magulang natin sila kundi dahil ito ay utos ng ating Diyos na siyang may Lalang sa atin. Sa paggalang, pagmamahal at pagmamalasakit natin sa kanila ay paraan ito upang tayo ay pagpalain at upang humaba pa ang ating buhay.

Tandaan natin na ang bawat buhay dito sa lupa ay may hanggan at ang hangganang ito ay hindi kayang malaman ng sinuman, kung kaya’t sa panahong ikaw ay nabubuhay ay ilaan natin ang ating buhay hindi para magalit, manakit at malungkot kundi ang maglaan at magbigay ng pag-ibig sa mga nakapaligid sa atin, isa na rito ang ating mga magulang. Magbalik tayo ng paggalang, pagmamahal, at pag-aalaga sa kanila, sukli sa di matawarang dedikasyon nila sa ating bilang mga anak nila.

 

 

 

By: Rheymon C. Cortez|Teacher I|Tapinac Senior High School |Olongapo,Zambales