Bakit ang mga tao sadyang kumplikado?
Maliit na bagay papalakihin ng todo
Buhay ng bawat tao ay ‘di naman kotrolado
Pwede namang bibig nila ay isarado.
Kapag nakakilala ng taong tamad
May sasabihin o komento agad
Kanya-kanyang trip lang yan brad
Komento mo’y di naman nila hangad.
Kapag nakakita ng taong sobra o kulang ang damit
Agad agad na magpaparinig ng panlalait.
Damit niya’y mas maganda pa sa ugali mong pangit
Aminin mo wala namang gamut sa inggit.
Kapag nakakita ng mag-syotang sweet sa daan
Pag-iisipan agad ito ng kalaswaan
Siguro ay wala kang kasintahan
O ‘di kaya’y ginagawa nyo rin yan minsan.
Minsan ‘di naman dapat lahat gawan ng kwento
Mas maganda siguro kung lahat ay kuntento.
Ilan lang yan sa mga pangyayaring ‘di imbento.
Mga tao na sa paligid ay maraming sentimyento.
By: BRUSSELS FRANC MIRANDO