PANAHON NG DIGMA’Y HIRAP GUNITAIN
SUGAT NG KAHAPON KAY SAKIT KANTIIN
MGA NAGPAHIRAP AY HALOS SUMPAIN
ANG BALIKAN ITO’Y DI KAYANG TANGKAIN
MABUTI NA LAMANG MAY MGA BAYANI
PUMUTOL SA TALI NG PAMIMIGHATI
DI NILA NINAIS MAWALA ANG NGITI
LAYUNING LUMAYA ANG NILULUNGGATI
ANAK NG BATAAN KUNG SILA’Y ITURING
SA GITNA NG DIGMA’Y SILA AY GINISING
HINDI NAGPAGAPI HINDI NAGPASUPIL
WALANG KAILANGAN BUHAY MAY MAKITIL
MEDINA LACSON- DE LEON NA TAGA BALANGA
UGALING MELCHORA NA KAHANGA HANGA
SUGATANG GERILYA ANG KINAKALINGA
SUKDULANG IBIGAY SARILING HININGA
CIVILIAN VOLUNTEER ITONG SI MEDINA
PAGKAIN AT GAMOT INIHANDA NYA
SALAPING PANUSTOS NG MGA GERILYA
HINDI NANGHINAWANG, IPAGKALOOB NYA
RAFAEL JOSON DE LEON TUBONG TAGA PILAR
SUMAMA SA DEATH MARCH NG PRISONERS OF WAR
LEUTENANT CORONEL ANG RANGONG TINAGLAY
HAHANGA KANG TUNAY KANYANG TALAMBUHAY
PINAKA MABILIS NA TAONG NATALA
100 METER SPRINT NITONG FAR-EAST ASIA
YEAR 1934 TO 1961
10.6 SECONDS LANG, ANG TALANG INIWAN
ADELA SANCHEZ BANZON AY REHISTRADONG NARS
ANG FLORENCE NIGHTINGALE BANSANG PILIPINAS
INTERNATIONAL COMMITTEE RED CROSS ANG NAGBANSAG
MAY 12, 1985 GENEVA SWITZERLAND
ANG FLORENCE NIGHTINGALE SA KANYA’Y TAGURI
SA UGALI NYANG IPAGMAMAPURI
BATAAN PROVINCIAL HOSPITAL NGAYO’Y BATAAN GENERAL HOSPITAL
ANG SERBISYO NYA’Y, HANGANG HAGONOY EMERGENCY HOSPITAL
OSCAR RAMOS JOSON SCOUT TROOP KASAPI
MATAPANG NA BATANG HINDI NAGPAGAPI
BATANG NAGSAAYOS GULO NG TRAPIKO
SA GITNA NG DIGMAT, PAMBOBOMBA RITO
MAY BOMBANG SUMABOG TABI NG SIMBAHAN
DOON SA BALANGANG PINAGTATRAPIKAN
NITONG BATANG JOSON, KAHIT TINAMAAN
NG SHARPNEL SA ULO, NAGING KAMATAYAN
JOSON INILIBING, BALANGA CEMETERY
SUOT FULL SCOUT COLORS, GAYAK KAPURI PURI
GINAWARAN SYA NG GINTONG MEDALYA
NATIONAL COURT OF HONOR, KABAYANIHAN NYA
WAG NATING LIMUTIN ANG MGA NAGAWA
NG MGA BAYANI SA KANILANG KAPWA
NAWA’Y MANATILI SA PUSO AT DIWA
KABAYANIHAN NYO’Y HINDI ITATATWA
By: Ms. Rose-Ann Marie R. Manalili | Teacher III | Bataan National High School