Mga Epekto ng Social Networking Sites sa mga Mag-aaral

Ang pagkakaroon ng kaibigan ay isa sa magagandang bagay na maaaring magkaroon ang isang indibidwal. Angpagkakaroon nito ay sumasalamin sa kanyang kakayahan gmakipagkapwa at matanggap sa lugar na  kanyang ginagalawan. Ayon sa  Social Learning Theory ni Bandura, “Maraming prosesong pagkatuto ang magagamit ang tao ang isa sa mga ito ay “vicarious conditioning” o ang pagkatuto…


Ang pagkakaroon ng kaibigan ay isa sa magagandang bagay na maaaring magkaroon ang isang indibidwal. Angpagkakaroon nito ay sumasalamin sa kanyang kakayahan gmakipagkapwa at matanggap sa lugar na  kanyang ginagalawan.

Ayon sa  Social Learning Theory ni Bandura, “Maraming prosesong pagkatuto ang magagamit ang tao ang isa sa mga ito ay “vicarious conditioning” o ang pagkatuto mula sa kinalabasan ng Gawain ng iba o ang “observational learning” o pagkatuto batay sa panonood lamang.

Sa pagbabago ng panahon at pagbukas ng globalisasyon ang pagdating ng teknolohiyang pang komunikasyon ay nagbukas ng pintuan ng kamalayan sa mga mag-aaral na maging responsible sa tamang paggamit ng teknolohiya.

Kaya  patok sa mga kabataan ang social networking sites wala na yatang nag-aaral ang walang e-mail ad sa panahon ngayon. Sinasabing ang pinakapatok na social networking sites sa mga mag-aaral ay ang facebook, yahoo, twitter.  Lumalabas rin na positibo ang epekto ng pagkakaroon ng account sa nasabing site kung pakikipagkapwa ng mga mag-aaral ang isasaalang-alang.

Ayon sa resulta ng pag-aaral dahil din dito maraming nakikilala, nakakukuha ng bagong kaibigan at nakakapagpahayag ng malayang saloobin, magkaroon ng madaling komunikasyon, makakuha ng mahahalagang impormasyon at mapadali ang palitan ng dokumento, makapili ang isang indibidwal sa mga taongmaaari niyang maging kasama,kaibigan, at kabiyak. Ito rin ay mahalagang salik sa pagkatuto.

Kung kaya’t kung kakikitaan ito ng magandang epekto ay dapat rin na pagtuunan ng pansin ang  pagbibigay halaga sa patuloy na pagdidiskubre nito.

Marami  ring pagbabago sa ating kapaligiran sa paglabas ng makabagong teknolohiya tulad ng kompyuter at pagkonekta nito sa  internet, nabuksan din ang iba’tibang tsanel na maaaring magamit sa pakikipagkapwa at pakikipagpalitan ng impormasyon upang mapanatili ang ating gawain  at mapabilis ang proseso ng pagkatuto at pag-aaral.

By: JANICE M. CASTILLO | Teacher I | Mariveles National High School | Cabcaben, Mariveles, Bataan