MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG WIKA PARA SA IBA’T-IBANG URI NG ISTILO NG MGAMAG-AARAL

Lahat marahil ng mga guro ay naghahangad na maging masaya at kawili-wili ang bawat klase nila.  Iba’t ibang paraan ang naiisip nila upang makamit ang ganitong uri ng sitwasyon. Gumagamit sila ng iba’t ibang dulog o estratehiya upang sumigla ang kanilang klase.  May mga pag-aaral na nagsasabing wala naman talagang makabagong dulog o estratehiya na…


Lahat marahil ng mga guro ay naghahangad na maging masaya at kawili-wili ang bawat klase nila.  Iba’t ibang paraan ang naiisip nila upang makamit ang ganitong uri ng sitwasyon. Gumagamit sila ng iba’t ibang dulog o estratehiya upang sumigla ang kanilang klase.  May mga pag-aaral na nagsasabing wala naman talagang makabagong dulog o estratehiya na epektibo sa pagtuturo ng wika. Ang mga dulog integratibo, interaktibo , kolaboratibo at iba pa, sa unang pandinig ay waring bago subalit ang totoo, ang mga ito ay matagal nang ginagamit sa pagtuturo. Maaaring sa kasalukuyan ay nagkaroon lamang ng panibagong katawagan. Anumang estratehiya o metodo ay mabisa kung ito ay naaangkop sa uri ng aralin, mag-aaral (edad, antas ng pag-aaral, paraan ng pag-aaral, motibasyon at kahandaang kognitibo at, emosyonal), kapaligiran at layunin ng pagtuturo.

                 Ilan sa mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri ng mag-aaral ay ang mapag-aralan ang mga istilo ng mga mag-aaral. Halimbawa, ay ang mga mag-aaral na Tactile o Kinesthetic. Ang mga mag-aaral na ito ay madaling matuto sa pamamagitan ng aktuwal na paggawa o hands-on o mga pag-aaral na may mga paggalaw. Halimbawa:  mga laro,  mga larawan, Computer games at iba pang gadgets mula sa makabagong teknolohiya, Pair work , Cooperative Learning, Drawing o Painting, Puzzle, at pagsasayaw.            Mga mag-aaral na Verbal/Linguistic ay mga mag-aaral na madaling matutong magsulat, magbasa, gumawa ng tula at iba pang uri ng sulatin.  Magaling din sila sa pag-aaral ng gramatika, pag-aaral ng maraming aklat sa wika, pagbabasa ng mga pahayagan, pag-aaral nang mag-isa , pag-alam sa pagsusuri ng mga kamalian sa wika. 

                Ang ikatlong uri ng mag-aaral ay mga mag-aaral na Auditory o Olfactory mga mag-aaral na mabilis matuto sa pamamagitan ng pakikinig.  Nababagay sa kanila ang mga aralin na matututuhan sa paamamagitan ng pakikinig.  Halimbawa, ang guro ay maaaring magbasa ng mga talumpati o lecture, maikling kuwento, tula o iba pang uri ng panitikan, habang pinakikinggan ng mag-aaral at pagkatapos ay magbibigay siya ng mga katanungan para sa pag-unawa. Madali siyang makaunawa sa taas o baba ng tono ng boses, bilis ng pagsasalita.

                Isa pang uri ng istilo ng pag-aaral ng isang mag-aaral ay ang Print Learners.  Sila ang mga mag-aaral na madaling matuto ang ganitong mga mag-aaral kung ang mga aralin ay kanyang binabasa, halimbawa ay mga aklat, magasin. Pahayagan,at iba pang nakalimbag na mga babasahin. Mas madali silang matuto sa pagbabasa kaysa sa pakikinig.

                Hindi sapat na maituro ng isang guro kung ano ang mga araling/paksang nakapaloob sa kanyang banghay-aralin, kundi kung paano niya ito maituturo at matutunan ng kanyang mga estudyante. Kaya nga sinasabi na ang kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa dami ng mga natutuhan ng kanyang mga estudyante o kahit sa kung anong istilo na mayroon ang kanyang mga estudyante.

 

Sanggunian:

Badayos, Paquito B. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Makati: Grandwater Publications ang                     Research Corporation.

By: Sheryl Cruz | T-I | BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL City of Balanga