1.Talagang likas na may kahinaan ang bata .
2.Mahina na ang bata walang follow-up pa ang magulang ,sa bahay di nabubuksan ang gamit ng bata at di
inaalam kung ano ang lessons ng bata sa buong maghapon ng pananatili ng anak sa paaralan.
3. Panay ang absent ng bata kapag tinatanong mo ang bata kung bakit absent siya sa klase ang sagot ng bata ,
“ kasi po wala kami pagkain ,kasi po pinaalagaan po ni nanay sa akin si baby kapatid ko po , atbp pang sagot
na di kaaya-aya pakinggan .
4. Kapag nagpamiting ang guro lalo na sa lower section yong di umaattend ay yong may anak din na problema
sa silid- aralan .
5.Over-sized classes .Sa dami ng bata na tinuturuan sa silid- aralan di na natutukan ang iba pa lalo na ang mga
mahihinang bata
6. Mga attitudes ng mga bata ,may mga batang ayaw matuto kundi magpakita ng magaspang na pag-uugali na
kaiinisan ng guro .Tuloy minsan ayaw na natin magturo at magsaway na lang sa kanila .
7. Ang mga paperworks na kailangan isubmit agad –agad.
8 . Mga iba’t-ibang contest na sinasalihan ng school,na natutukan ang iilang batang magagaling at
napapabayaan ang mga nakakaraming mahihinang bata.
9. Mga teacher din minsan walang puso sa pagtuturo hinihintay lang ang sahod .Lalo na ang mga 2nd courser
dahil di sila nakapasok sa 1st course nila don sa pagtuturo na punta ( di ko nilalahat bato-bato sa langit ang
tamaan huwag magalit )
10. Mga onlines games nanakapaligid sa paaralan at sa bahay .Mas inuuna pa laruan kaysa pag-aaralan ang aralin
11. Ito ang matindi ang “ Child Protection Policy “ , na di mo pwede sigawan , pagsabihan o kahit titigan
ang bata.Baka maisumbong ka sa mga nakakataas sa Dep.ed at kaagad -agad pinaniniwalaan kahit puro
kasinungalingan ang sasabihin ng bata lalo na ang mga magulang na magaling magfabricate ng kuwento.
Ito ang mga dapat tutukan ng gobyerno natin para tayo magkaroon ng “Quality Education “.
By: Rizalyn P. Manio | Teacher III | Cabcaben Elementary School | Mariveles, Bataan