MGA GURO: KAPAG MAY TIYAGA MAY NILAGA

“ Congratulations sa Iyo,” iyan ang aking pagbati kung  ikaw ay isa ng Teacher III.  Bakit kamo binabati kita ?  Aba! ibig sabihin ikaw ay matiyaga.  Matiyagang mag-aral  sa Graduate School o masipag dumalo sa mga seminars o trainings, o maaari din namang matagal ka na sa serbisyo bilang Teacher I o Teacher II na…


“ Congratulations sa Iyo,” iyan ang aking pagbati kung  ikaw ay isa ng Teacher III.  Bakit kamo binabati kita ?  Aba! ibig sabihin ikaw ay matiyaga.  Matiyagang mag-aral  sa Graduate School o masipag dumalo sa mga seminars o trainings, o maaari din namang matagal ka na sa serbisyo bilang Teacher I o Teacher II na syang mga sangkap upang marating mo ang puwestong iyan sa kasalukuyan.  Kahit ilang taon ka pa lang nagtuturo ay possible kang ma-promote bilang Teacher III kung sinasamahan mo ng matinding pag-aaral para sa iyong Master’s Degree o ng iyong Doctorate Degree.  Dahil ditto ikaw ay puwedeng umasenso hindi lamang sa suweldo kungdi maging sa puwesto.

          Ano naman ang puwede mong gawin kung ikaw ay isang Teacher III na?  Aba! Iyan na ang pintuang nakabukas para sa iyo upang mag-apply ka na sa isang mataas na puwesto kagaya ng pagiging Department head kung guro ka sa isang high school o puwede ka ding kumuha ng eksaminasyon  para sa nagnanais na maging isang Punong Guro o isang School Head maging ikaw ay nagtuturo sa elementarya o Mataas na Paaralan.  Maaari ding sumubok na maging isang Master Teacher.

Talagang nagbubunga nang maganda ang pagtitiyaga.  Ang sabi naman ni Henry Sy, isang kilalang mangangalakal,” There is no such thing as an overnight success or easy money.  If you fail ,do not be discouraged.  Try again.  When you do well, do not change your way.”Ang sabi naman ng isang matandang kasabihan” Ang umaayaw ay di nagwawagi, at ang nagwawagi ay di umaayaw.”Nasa sinabi ni Sy ang mga katangiang nagpapakita ng kabutihan ng pagtitiyaga at ang mga kaakibat na mga gawi na dapat tupdin tungo sa tagumpay.  Kung naaala-ala pa natin ang pabula sa pagitan ng pagong at ng matsing.  Natalo pa ng pagong, na kilala sa kabagalan, ang kalaban niya na si Unggoy, ang hayop na kilala sa bilis at katusuhan sa kanilang karera ng

Paunahang  makarating sa pinagkasunduang lugar.  Dahil sa inip ng unggoy  sa mabagal na kilos ni pagong ay nagpasiya siya na magpahinga muna, hanggang siya ay makatulog na siyang dahilan upang malagpasan siya ng kalaban na si pagong, na sa bandang huli ay  siyang nagwagi.  Ang sabi nga sa wikang Ingles,  “By perseverance the turtle reached the ark.”

Ang sabi ni Thomas Carlyle, isang manunulat, mula daw sa pag-uumpisa sa mababa ay makararating din sa pinakamataas.  Kailangan lamang daw ang tiyaga, kahit na maraming balakid, mga banta ng kabiguan at mga kaganapang humahadlang sa iyo na para bang imposible mo nang matupad ang mga pangarap mo.

            Ang sabi naman ni Thomas Alva Edison, noong kasalukuyan niyang pinagbubuti ang pagimbento ng bumbilya,“ hindi ako bigo, nagsagawa lang ako ng 10,000 pagsubok na hindi umubra upang mapabuti ang liwanag mula sa bumbilya. “Nagpakita siya ng tiyaga, di ba? Kung hindi, maaaring hanggang sa kasalukuyang panahon ay di pa naimbento ang bumbilya.

Mga guro, kaunting tiyaga pa.

By: Marife D Guanzon | Teacher 1 | Balanga Elementary School | Balanga City, Bataan