Likas na sa mga nilalang, maging noong mga sinaunang panahon ang patuloy na pagtawid o pagdayo sa iba’t-ibang lugar ng mundo. Natural na sa tao ang humanap ng kaunlaran para sa sarili sa pamamagitan ng paghahanap ng lugar na makapagbibigay ginhawa sa pamilya, matuto ng iba’t-ibang kasanayan, makakuha ng iba’t-ibang karanasan at takasan ang kahirapan.
Sa pagsulong ng globalisasyon, ang pagdayo sa ibang bansa upang mangibang bansa ay isang phenomenon. Ayon sa resulta ng isang sarbey ng Social Weather Station(SWS) noong Marso 28-31,2008, ay nagsasaad na isa (1)sa anim (6) na pamilya sa bansa ay may OFW.
Ang mga magulang ng mga mag-aaral ay nangingibang bansa sa hangaring makahanap ng magandang oportunidad para sa kanilang pamilya. Kaugnay nito ay maraming mga anak ang naiiwanan sa pangangalaga ng ibang mga kamag-anak o kaibigan.
Alam nating mga guro na maraming mga estudyante natin ang may magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kung di ang ama ay ang ina o pareho sila na naiiwanan ang mga anak sa lola at lolo, sa isang upahang tagapag-alaga o kamag-anak. Ito sa ngayon ay karaniwang karanasan nang mga kabataan hindi lamang sa Pilipinas, kung di maging sa buong mundo man. Ang pangyayaring ito ay may dulot na pagbabago sa pinansiyal at pakikisalamuha ng mga bata.
Ang sabi ng Convention on the Rights of Children (CRC) ang kahulugan ng bata ay “kahit sinong tao na wala pang idad na labing-walo at nangangailangan ng pangangalaga laban sa diskriminasyon.” Sa ilalim ng Convention, ang mga magulang ay may moral na obligasyon at responsibilidad para sa pagpapalaki at pagpapaunlad ng mga anak sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon at iba pang karapatan ng mga bata.
Ang sabi pa ng Convention on the Rights of the Child (CRC) na ang pamilya ay dapat binubuo ng kaligayahan, pag-ibig at pagkakaunawaan.upang mapaunlad pa ang paglaki ng mga bata. Marami na ding pag-aaral ang tumalakay sa edukasyon, kalusugan at ang kanilang social status sa mga kaibigan, kamag-aral at mga guro.
May malaking implikasyon ang resulta ng pag-aaral at ng pagiging isang mabuting mamayan ang anak na mga naiiwanan sa pangangalaga ng iba, habang nasa ibang bansa ang magulang, ama man o ina. Ang mga bata ang bubuo ng kinabukasan ng bansa nararapat na sila ay tumanggap ng tamang pangangalaga sa kanilang kabataan, bagamat ayon sa ilang pananaliksik tungkol sa usaping ito, mas marami sa mga anak ng OFWs ang mga nag-uukol ng panahon sa pag-aaral bagamat mayroon ding mga naliligaw ng landas dahil sa hindi tamang paghawak ng pera.
Kung ganoon, bilang isang guro, papaano pa natin lalong masusubaybayan at magagabayan ang ating mga mag-aaral na anak ng mga OFWs?
Sanggunian:
http://globalnation.inquirer.net/66355/do-children-understand-why-their-parentleave#ixzz4OyUtIQ3x
@inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
By: Sheryl Calara Cruz |T-I| BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL , City of Balanga, Bataan