Ang Araling Panlipunan bilang isang asignatura ay mahalaga upang mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipinong mag-aaral patungkol sa usaping kasaysayan, kultura at panlipunan. Ngunit ang ilan sa mga mag-aaral ay nahihirapan sa asignaturang ito, kaya ninanais ng mga guro sa Araling Panlipunan na padaliin ang mga araling mahihirap at maging inspirasyon ng mga mag-aaral. Isa rin sa kanilang nagiging hamon ay kinakailangan nilang maglaan ng panahon upang makapaghanda ng mga aralin, na hindi lamang makapagbibigay ng kaalaman kundi maiugnay rin sa tunay na reyalidad ng buhay.
Isa ang asignatura ng Araling Panlipunan na humihikayat sa mga mag-aaral na magsuri at magsaliksik dahil sa kakulangan ng kaalaman at kasanayan. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga pangyayari sa lipunang kanilang ginagalawan at matutong lumaban sa mga hamon sa buhay sa pamamagitan ng mga araling tinatalakay sa araw-araw.
MGA HAMON SA PAGTUTURO AT PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN SA MAKABAGONG PANAHON
Ang Araling Panlipunan bilang isang asignatura ay mahalaga upang mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipinong mag-aaral patungkol sa usaping kasaysayan, kultura at panlipunan. Ngunit ang ilan sa mga mag-aaral ay nahihirapan sa asignaturang ito, kaya ninanais ng mga guro sa Araling Panlipunan na padaliin ang mga araling mahihirap at maging inspirasyon ng mga mag-aaral. Isa…