Mga Karanasan ko Bilang Magulang at Guro ng K-12!

  Ano nga ba ang K-12 Curriculum? Mga katanungang maririnig mo sa maraming magulang.Parusa nga ba ito o karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral?Isa ako sa mga magulang na nagtanong bakit nadagdagan pa ?Katanungang kumon sa mga magulang na nagpapaaral. Ngayon ang ikatlong taon ng pagpapalaganap ng nasabing Curriculum. Ngayon ko lubos na naunawaan kung bakit…


 

Ano nga ba ang K-12 Curriculum? Mga katanungang maririnig mo sa maraming magulang.Parusa nga ba ito o karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral?Isa ako sa mga magulang na nagtanong bakit nadagdagan pa ?Katanungang kumon sa mga magulang na nagpapaaral.

Ngayon ang ikatlong taon ng pagpapalaganap ng nasabing Curriculum. Ngayon ko lubos na naunawaan kung bakit kailangan pang isulong ang nasabing Curriculum

Kasama ang anak kung lalaki sa unang batch na nakatapos sa ilalim ng technology and vocational livelihood o TVL –Agriculture. Nakakatuwang mahirap ang nasabing karanasan ko bilang magulang at isang guro sa Kindergarten . Mahirap maging pangalawang magulang ng mga limang taong gulang na mga mag-aaral, hindi ko lubos maisip na kakayanin kung magturo sa batang paslit,  Taong dalawang libo at walo Buwan ng  Hunyo a dyes nuong yumapak ako sa larangan ng pagtuturo.Napakahirap manimbang sa mga kapwa mu guro lalo at alam  nilang mas nakakaangat sila sa larangang ito. Mga magulang ang naging sandigan ko upang mas maging matatag ako sa hamon ng pagtuturo dahil kung pati magulang ay hindi mu makakasundo wala ka ng mapagsasabihan ng mga dapat at hindi dapat sa kanilang mga anak.Dahil nagsimula ako bilang Volunteer Teacher ng limang taon  naging matagumpay naman ang aking pagtuturo dahil sa edad na lima ay marunong na silang bumasa , sumulat  at bumilang. Maraming stratihiya akong ginamit upang sila ay matuto . Nagawa kung umarte sa iba’t ibang araw , nanduon umiyak ka para sumunod sila o kunwari ay aalis ka na para maiwan sila.nandung nasa ilalim ka ng puno kasama sila at duon mu sisimulan ang pag-aaral nila upang maiba naman ang lugar ng kanilang pagkatuto.naranasan ko ring maghugas ng kanilang mga puwet at iligpit ang kanilang mga kalat kapag sila ay may mga ginagawa.Kapag guro ka pala matuto ka din sa iyong mga mag-aaral matuto kang makinig sa mga sinasabi nila dahil dun sa paraang iyon dun ka makakapasok sa mundo nila, na kung minsan nalilimutan nating mga bata lang sila na kailangan ng matibay na pundasyon na dadalhin nila sa elementarya, secondary at sa senior high at panghuli sa kolehiyo. Pag naging matibay sila  , dala dala nila ito hanggang sa maging mabuting mamamayan sila ng bansang Pilipinas.

Ngayon ako ay nasa mataas na paaralan ng Bataan National High School at ang aking tinuturuan ay nasa baitang walo. Ikalawang taon ko na sa antas na ito  . malaki ang pagkakaiba ng ugali ng mga bata hindi lamang sa edad ,o antas ng pamumuhay mu maikukumpara ang nasabing disiplina ng bawat isa, mas masarap magturo sa limang taong gulang kumpara sa mga batang malalaki na. ang limang taon madaling pagsabihan kumpara sa mga highschool. Ngunit sabi nga nandito tayong mga guro upang ituwid ang mga naliligaw ng landas. Sa ngayon ang mga ginagawa kung hakbang upang sila ay sumunod hinuhuli ko muna kung saan ang kalakasan at kahinaan nila upang duon ko sila susundutin upang sila ay maging mabuting mag-aaral.masasabi kung magtatagumpay ako sa larangang aking pinili sa tulong ng aking Pamilya , mga

guro, mga nakakataas sa posisyon, mga magulang ng bawat mag-aaral at sa aking mga bossing ang mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral naman natin pag nakitang may malasakit ang guro sa kanila  mamahalin ka nila ng buong puso at mararamdaman mung mahalaga ka din sa kanila lalo at higit sa kapakanan din nila ang iniisip natin. Nasa diskarte nating guro kung paano magiging matino ang mga mag-aaral na ating siniserbisyuhan.malaki man ito o maliliit na bata tayo ang may hawak ng timon tayo ang boss ng ating klase  kaya kung saan ang panig na dapat mung tahakin ganun din dapat ang magiging galaw ng ating mag-aaral.K-12  kaya natin yan!!!

Inihanda ni:

EDIESA P, MENDOZA

          ( Teacher 1)

 

By: Ediesa P. Mendoza | Teacher II Bataan National High School | Balanga, Bataan