Patuloy na dumarami ang nagtatapos ng high school ang nagnanais na kumuha ng kursong pagtuturo sa ating bansa, at ito ay sa ibat – ibang kadahilanan. May kumukuha ng kursong pagtuturo dahil naging inspirasyon niya ang kanyang mga naging guro, mayroon naming dahil sa mas mababa ang halaga ng tuition fee sa kursong ito. Mayroon naming na-engganyo ng mga kaibigan, at ng iba’t-iba pang kadahilanan.
Kung sakali namang makatapos ng pag-aaral sa kursong ito, ay kakaharapin naman ng mga nagtapos ay ang kanyang pag-aaply para makapagturo. Sa pag-aapply ay dapat magpakitang- gilas ang guro sa pagsagot sa mga katanungan ng panayam o interview ng Panel, ang pagsagot sa “ English Proficiency Test “ at ang mas mabigat ay ang “ Demonstration Teaching “.
Kung sakali namang nasa Top 10 siya sa ranking at matanggap na sa daigdig ng pagtuturo, ano- ano naman ang mga katangian na dapat niyang taglayin, bukod sa mga nabanggit.
Halos karamihan sa mga punong-guro ay hinahanap ang mga sumusunod na mga katangian sa isang baguhang guro:
Alab ( Passion ) Ang maalab na damdamin sa pagtuturo ay masusing hinahanap ng punong-guro sa isang baguhang guro. Ang isang guro na maalab sa pagtuturo ay matiyaga sa paghahanap ng mga bagong bagay sa pagtuturo para sa kanyang mga tinuturuan.
Malakas na Pakiramdam ( Sensitivity ) Dapat na makilala ng mga guro ang kanyang mga estudyante at dapat na ibagay niya ang mga gawaing ipagagamit sa mga mag-aaral. Dapat niya ring mabigyan ng mga kinakailangang aralin ang mga tinuturuang bata alinsunod sa Curriculum. Ang mga punong-guro ay hinahanap ang mga guro na tumutuklas sa kakayahan ng mga mag-aaral, sa kanilang mga interes, maaaring ito ay sa musika, sining, sports, pagsulat at iba pa.
May Puso sa Pagtuturo
Ang isang magaling na guro ay nagtuturo ng may puso. Hindi lamang dapat na matalino ang guro, kahit may average na katalinuhan kapag may puso sa pagtuturo ay may pagkakataong magtagumpay kumpara sa isang guro na sobra ang talino sa pang-akademikong karunungan.
May Malakas na kasanayan sa Pakikipag-ugnayan at Kakayahang Makapagpatawa o Makapagpasaya
Ang sabi ni Magbuhat (2005) na hinango sa aklat na “Seven Habits of A Highly Effective People na sinulat ni S.Covey.” Ang alinmang Gawain daw ay kasangkot ang 80% ng pakikipag-ugnayan, lalong lalo na ang guro sa kanyang mga estudyante. Ang kakayahang makapagpatawa ng mga mag-aaral , ay nagpapakita na ang guro ay may sapat na tiwala at kakayahang makipag-ugnayan sa kanyang mga estudyante. Ang magaling na guro ay hindi nag-aalinlangan na magsingit ng “patawa” o “humor” sa mga lessons o aralin upang mapabilis ang proseso ng pagkatuto.
Ang lahat ng ito ay magkakaroon ng katuparan sa matiyagang paggabay ng punong-guro.
Sanggunian :
Magbuhat,L.L. “ Qualities that Principal’s Look for A Teacher.” Education Magazine Vol.2 Issue 7 (2006)
By: Leticia M. Garcia Master Teacher I Bataan National High School City of Balanga, Bataan