- Sundanang manwal o modyulo sa pagtuturo- Sa paggagawang banghay aralin ayon sa pagkakasunod sunod ng bilang nito sa manwal sa bawat markahan. Kailangan ding tapsuin ang lahat ng araling nakatala sa pagkatang Unified Test ng buong Dibisyong Bataan ay nakabatay sa lahat ng aralin sa manwal o modyul.
- Maayos na pagbalangkas ng banghay aralin- Ang banghay aralin ang siyang gabay ng guro sa pagtuturo kaya kailangang ito ay buuing maayos alinsunod sa aralin sa manwal. Kailangan maayos na nakassad ang layuning ating nais makamit sa ating paksang aralin. Kailangan ding lahat ng mga Gawain simula sa motibasyon, panimula at panlinag na Gawain, paglalapat ebalwasyon ay magkakaugnay upang tiyak na makamit ang layunin ng paksang aralin.
- Paggamit ng angkop na motibasyon- Ang motibasyon ay makakatulong upang ihanda ang magaaral at gawing interesado at aktibo sa paksang aralin. Pwede tayong gumamit ng makabagong paraan gaya ng Fily Strips na angkop sa pagtuturong nobela at maikling kwento, paggamit ng puzzle, laro, pag-papaawit, pagpapakitang larawan na makakatulong upang mapukaw ang kanilang interes at atesyon sa ating aralin.
- Paggamit ng angkop na istratehiya at teknolohiya sa pagtuturo- Kailangan nating gumamit ng ibat ibang istratehiya na angkop sa bwats paksang aralin. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya gaya ng kompyuter at iba pang midyum o instrument sa pagtuturo ay makakatulong upang mabilis na maunawaan ng magaaral ang anumang paksang ituturo.
- Paggawa ng ebalwasyon- Ginagamit ang ebalwasyon upang sukatin ang kaalaman ng magaaral. Maraming ibat ibang uri ng ebalwasyon, pagtatanong upang malaman kung naintindihan ang paksang itinuro o sa pamamagitan ng maikli at mahabang pagsususlit. Kailangan gumawa ng ibat ibang uri ng ebalwasyon na angkop sa bawat paksa at kakayahan ng magaaral.
- Masidhing dedikasyon sa pagtuturo ng asignatura- Lubhang mahirap ang pagtuturo ng asignaturang Filipino kaya kailangan nating pagsikapang madagdagan an gating kaalaman sa pamamagitan ng pagaaral pa sa mga paksang hindi pa tayo bihasa at kailangan pa ng karagdagang kaalaman at impormasyon upang maituro natin ng may kasanayan at kahuyasan. Kailangang lagi tayong nauuna sa mga kaalamang makabago kaysa sa ating mga magaaral upang lubos nating makuha ang kanilang interes at tiwala na sila ay ganap na matututo sa ating mga kamay.
By: Mrs. Ofelia B. Reyes/ TeacherIII / Limay National HIghschool