Alam ng mga guro ang lebel ng motibasyon ng kanyang mga mag-aaral. At upang lalo pang magganyak ang mga estudyante ,ay nagbigay ng mga mungkahi si Corpuz at Salandanan, mga awtor ng aklat na Principles of Teaching I at ito ay ang mga sumusunod:
Gumamit ng iba’t-ibang uri ng istratehiya. Kung hindi ume-epekto ang unang istratehiya na ginamit, ay sumubok pa ng ibang pamamaraan o istratehiya. Ang mahalaga ang mga guro ay dapat na nararamdaman o naoobse4rbahan agad ang mga gawi ng kanyang mga mag-aaral tungkol sa paksang tinatalakay. Kapag napansin na hindi epektibo ang kanyang mga istratehiyang ginagamit batay sa mga ibinibigay na mga kasagutan ng mga bata
ay unti-unting palitan ang istratehiya.
Maaari din namang magkuwento o tumula na may kinalaman sa tinatalakay na mga paksa. Maaari din namang magsagawa ng isang pa-kontes tungkol sa paksa at lalong gaganahan na lumahok ang mga bata kung may mga nakalaang papremyo sa mga magwawagi.
Napapansin ng mga mag-aaral ang pagsisikap ng guro na maunawaan nila ang paksang tinatalakay. Ginagamit nito ang kanyang sense of humor upang makuha nito ang atensyon at malinang pa ang comprehension ng mga mag-aaral sa paksa o aralin. Nakikitawa siya o nakikingitisa mga mag-aaral upang mabuo ang isang ugnayan sa pagpapaliwanag ng aralin. Magaan sa pakiramdam ng mga mag-aaral ang isang masayang kapaligiran.
Ang kaaya-ayang personalidad ng guro ay malaki ang nagagawa upang maunawaan ng mga paksang tinatalakay. Nasisiyahan sila sa isang simple ngunit may kaaya-ayang personalidad na guro
Huwag magturo nang hindi handa. I-plano ang paksang ituturo sa paraang makagaganyak sa mga mag-aaral
Sa pagtuturo, mas madaling matuto ang mga mag-aaral kung bibigyan sila ng pagkakataong mahawakan o magamit nila ang aktuwal na bagay na tinatalakay sa klase.
Maaari din namang gumamit ng educational games na kaugnay ng aralin. Ang guro ay maaaring magkaloob ng premyo sa mga magwawagi.
Gumamit din ng mga istratehiyang role playing, simulation, drama presentation, film showing o musical show. Ang mga ito ay malaki ang maitutulong upang magganyak ang mga mag-aaral.
Sa kabuuan, ang gurong masigasig, masipag, maunawain at masayahin ay nagbubunga ng mahuhusay at disiplinadong mag-aaral.
Sanggunian:
Brenda Corpuz & G. Salandanan. Principles of Teaching ILorimar Publishing Inc. Quezon City (2006)
By: Jackielou B. Guinto | Teacher III | SAMAL NATIONAL HIGH SCHOOL | Samal, Bataan