Ang katotohanan na ang mga guro ay nakararanas ng mataas na mental health problem o problemang pangkaisipan ay tinatanggap di lamang ng nakararami kundi pati ng mga guro. Sila ay kararanas ng mataas na lebel ng stress at ung tinatawag na occupational “burnout”. Ito ay karaniwang nararanasan ng mga taong ang trabaho ay humaharap sa mga tao o ung “people work”. Dito mas mataas ang insidente ng psychiatric disorders kaysa sa ibang propesyon.
Sa kalusugang pampisikal o physical health, sila ay may malusog na pangangatawan. Maaaring dahil sa uri ng kanilang trabaho kaya sila ay may nararanasang problema sa kanilang lalamunan katulad ng pamamalat at sore throat at sa mga ugat.
Ayon sa pag-aaral ang mga guro ay makararanas ng mental fatigue o yung parang ayaw ng mag-isip o napapagod ng magturo. Nakararanas din sila ng anxiety o nerbiyos at mood swings.
Mayroong apat na dahilan kung bakit nakararanas ng stress ang mga guro. Una, magugulong estudyante o student misbehaviour, hindi maayos na kondisyon ng pagtatrabaho o poor working condition, time pressure lalo na at may mga deadlines at problema sa eskwelahan sa pangkalahatan. Kung minsan ang kakulangan sa maayos na pamamahala sa eskwelahan at di pagsuporta ng mga kasamahan sa trabaho ang nagiging dahilan ng g-aalala o stress ng guro.
Ang iba pang mga sakit na karaniwan sa mga guro ay rayuma, arthritis, sakit na may kinalaman sa baga, sakit sa puso, sakit sa nervous system, sakit sa tiyan, masakit ang ulo, high blood pressure at mga hormonal disorders. Bukod dito mas madaling mapagod ang mga guro. Mas madalas ding mayroon silang nararamdamang masakit sa kanilang mga laman o muscles at hindi sila komportable sa kanilang pakiramdam.
Maraming guro ang nagreretiro ng maaga dahil sa problema sa kanilang kalusugan. Kapag ang isang guro ay lumiban, apektado ang mga estudyante dahil walang magtuturo sa kanila.
Ang mga guro, dahil na rin sa uri ng kanilang trabaho na madalas na kaharap ang mga estudyante ay may mataas na panganib na makakuha ng infectious diseases o sakit na nakakahawa katulad ng ubo’t sipon, tuberculosis, hepatitis, sore eyes, sakit sa balat at iba pa.
Mayroon ding pag-aaral na ang ilang mga guro ay maaaring magkaroon ng breast, thyroid, ovarian, uterine at throat cancer.
Dahil apektado ang mga estudyante pati na rin ang matatanggap na suweldo dahil sa pagliban, mainam na maiwasan o maagapan ang sakit upang hindi na ito lumala pa at mangahulugan ng mas malaking gastusin. Ng mga sumusunod ay makakatulong sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan: mag-ehersisyo, kumain na masustansiyang pagkain, iwasan ang kape, sigarilyo, alak, bawal na gamut, magkaroon ng sapat na tulog, making ng nakakarelax na musika, paminsan-minsang pagpapamasahe at aroma therapy at kung may sakit ay makabubuting kumunsulta sa duktor.
By: MARITES T. DOMINGO | Teacher III | Limay National High School Limay, Bataan