Napakaraming tao ang kulang sa edukasyon, dahil sa napakaraming dahilan walang pera, walang eskwelahan sa kanilang lugar o kaya naman ay pinag tatrabaho sila kahit na bata pa lamang sila, pero hindi pa rin natin na maitatanggi na meron pa ring mga tao na gusto pa rin na makapag- aral, kaya kahit naglalakad sila ng bundok para lamang makapasok ay ginagawa nila, kahit na kakagaling sa trabaho ay pumapasok sila, kahit na walang pera ay nagtitiyaga pa rin sila ma suwerte nga naman tayong wala sa ganoong sitwasyon kaya sulitin natin ang biyayang tinatamasa natin, huwag sayangin ang pagkakataon na ibinigay ng diyos na makapag aral ka, para sa hinaharap ay makatulong ka naman sa nangangailangan.
Dahil sa kahirapan ay nagpapatayo ang gobyerno ng libreng eskwelahan sa mga liblib na lugar kahangahanga ang mga bata at titser na bumibiyahe ng napaka layo para lamang makapasok, ang mga titser na nagsasakripisyo upang mabigyan ang mga batang nagsusumikap ng magandang kinabukasan.
Pwede naring ituring ang mga titser na mga bayani dahil nagsasakripisyo sila upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga bawat bata.
Mag-aral ka ng mabuti upang makaahon ka sa kahirapan at balang araw ay makakatulong ka sa nangangailangan ng balang araw ay mapugsa ang kahirapan upang lahat ng tao ay magkaroon ng magandang kinabukasan.
Sana ay kahit umangat ka na sa buhay ay huwag mong kalimutan kung saan ka nagmula, huwag mong kalimutan ang mga tao na tumulong sa iyo noong ikaw ay walang wala, dahil sila ang dahilan kung ano ka ngayon , mga titser, kaibigan, pamilya etc…
Kaibigan mabuhay ka ng malakas, bawat bukas ay may pag-asa, lahat ng tao ay binigyan ng diyos ng napakaraming tiyansa pero pag sumuko ka ay wala na.
By: PURITA V. QUILIT ADMINISTRATIVE ASSISTANT III DEPED HERMOSA NATIONAL HIGH SCHOOL