Mother Tounge sa Asignaturang Matematika

English is a universal language iyan ang sabi nila kasi dito raw lahat ng tao sa mundo ay nagkakaunawaan. Ano kaya ang mangyayari kung ang asignaturang Matematika na dating ginagamitan ng pangkalahatang wika ay ituro gamit ang katutubong salita? Magiging epektibo kaya? Marahil isang malaking tsek ito sa dahilang mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral…


English is a universal language iyan ang sabi nila kasi dito raw lahat ng tao sa mundo ay nagkakaunawaan. Ano kaya ang mangyayari kung ang asignaturang Matematika na dating ginagamitan ng pangkalahatang wika ay ituro gamit ang katutubong salita? Magiging epektibo kaya? Marahil isang malaking tsek ito sa dahilang mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral kung tagalog o katutubong wika ang gagamitin sa pagpapaliwanag ng bawat konsepto ng mga aralin. Halimbawa na lang kung sa halip na subtract or less ang gagamitin ay ibawas o bawasin ang sasabihin ng guro, hindi kasi lahat ng mag-aaral ay bihasa sa kahulugan ng salitang Ingles, kaya mas medaling maunawaan ito ng mga mag-aaral at madali para sa kanilang intindihin ang aralin.

Malaking tulong ang paggamit ng katutubong wika o mother tounge sa ikadadali ng pagkatuto ng mga magaaral. Bahagi ito ng bagong kurikulum ng K-12. Maaaring magkaroon ng kalituhan sa una ngunit magiging madali kapag nakasanayan na.

By: Rosario T. Rodrigo| Master Teacher I | Limay Elementary School | Limay, Bataan