Mukha ng Edukasyon sa teknolohiya

                         Sa pagputok ng 21st  century, kung kalian isinilang ang karamihan na tinatawag na “millennials’, ang buhay ng tao, particular sa mga Pilipino ay wari bang naging madalian. Mula sa instant noodeles sa umaga hanggang instant coffee sa gabi, komunikasyon , pagsasaliksik, pagbili at…


                         Sa pagputok ng 21st  century, kung kalian isinilang ang karamihan na tinatawag na “millennials’, ang buhay ng tao, particular sa mga Pilipino ay wari bang naging madalian. Mula sa instant noodeles sa umaga hanggang instant coffee sa gabi, komunikasyon , pagsasaliksik, pagbili at pagbenta, halos lahat ay madalian. Tuna nga ang katagang and ang tanging hindi nagbabago sa mundo ay ang pagbabago.

Kasabay ng patuloy na pag-angat ng modernong teknolohiya ay ang hamon para sa edukasyon. Hamon kung paano makikipagsabayan ang edukasyon sa patuloy na pagbabago ng teknolohiyang lubhang nakakaapekto sa maraming aspeto ng buhay.

Bilang isang guro, ang pag-usbong ng Computer Education sa mga paaralan, pampubliko man o pribado ay isang susi upang makasabay ang edukasyon sa hindi mapigilang pag-unlad ng teknolohiya. Bukod sa tradisyonal na mga asignaturang itinuturo sa paaralan mahalaga ring magkaroon ng sapat na kaalaman  ang mga estudyante ukol sa kompyuter at iba pang gamit nito. Ito rin ay isang paghahanda para sa hinaharap kung saan siguradong mas mataas na ang lebel ng teknolohiya at upang maiwasan na rin ang kamangmangan sa teknolohiya pagdating ng panahaon.

Katuwang ang ibat-ibang sangay ng pamahalaaan, sa kanilang sanib puwersang pagtutulungang ay naging posible ang pagkakaroon ng mga computer units sa mga paaralan at sa buong bansa. Ito ay nagbigay daan upang maging abot-kamay ang pagtuturo ng Computer Education sa paraang nais ng pamahalaan.

Ito ay magiging bukas para sa mga mag-aaral upang magamit hindi lamang sa tuwing oras ng asignaturang ito nagkus ay maging kung kailan kinakailangna tualad na lamang halimbawa, tuwing hapon pagkatapos ng klase para sa iba pang gawain na nangangailangan ng pananaliksik. Kaakibat ng mga bagay na ito ay ang importansya ng pagtuturo sa mga estudyante ng kahalagahan ng pagiging mapag pasalamat sa mga bagay na nailan para sa kapakinabangan ng lahat gaya ng mga gamit upang maiangat an gating Computer Education.

By: Joanna Charisma C. Lomibao | Balanga, Bataan