Ilang buwan na ang nakalipas mula noong nagmahal si Lhen ng isang taong akala niya ay siya na talaga ang nakalaan para sa kanya. Nagkamali pala siya, ang lalaking iyon pala ang magiging dahilan ng kanyang pagsisisi. Minahal niya ito kahit tutol ang mga magulang niya sa kanilang relasyon dahil siya hindi nag-aaral at alam ng magulang niya ang kaligiran ng pamila ng lalaki. Lagi siyang pinagsasabihan at pinapangaralan ng kanyang mga magulang ngunit hindi niya sinusunod. Ipinagpatuliy pa rin nila ang kanilang relasyon, nagkikita sila na hindi alam ng mga magulang niya pero ito pala ay nakakarating sa kanila. Dumating ang araw na lagi silang nag-aaway dahil sa madalas na hindi pagkakaintindihan at sa mga chismis din na lumalabas tungkol sa kanya na wala namang katotohanan. Hanggang sa nalaman ni Lhen na ang mga kapatid ng lalaki pala ang nagkakalat nito, naisip ni Lhen lahat ng sinabi sa kanya ng kanyang mga magulang, ang pagsasakripisyo nila sa kanya para mapag-aral lamang siya at ayaw na din niyang masaktan pa dahil lang sa pagmamahal. Naliwanagan na ang kanyang isipan, napagdesisyonan niyang tuluyan nang makipaghiwalay sa kanyang kasintahan at ituon na lamang ang kanyang atensyon sa kanyang pag-aaral. At ngayon masaya na siya, hindi niya muna isinaisip ang magmahal ulit ang nais niya ay makapagtapos na muna ng pag-aaral.
Malaki ang aral na natutunan ni Lhen sa kanyang naging karanasan, natutunan niya na dapat laging makinig sa mga magulang dahil ang nais lamang nila ay magkaroon ng magandang kinabukasan na makakatulong din sa atin at dapat mahalin mo muna ang iyong sarili bago ang iba, huwag din ibigay ang lahat ng iyong pagmamahal sa isang tao dapat magtira din para sa iyong sarili. Ang pagmamahal sa isang emosyon na nararamdaman mo sa isang taong tinitibok ng iyong puso. Napakasarap sa pakiramdam kapag ikaw ay nagmamahal lalao na kung ang taong minamahal mo ay hindi ka pinapabayaan at ginagawaang lahat para pasiyahin at protektahan ka. Handang iaalay ang buong buhay niya para lamang sa ‘yo. Naiisip niya din na gusto na niyangmagmahal ulit makalipas ang ilang buwan ngunit mas nangingibabaw sa kanya ang mag-aral muna at makapagtapos. May mga nanliligaw din sa kanya, nagugustuhan niya din naman gunit hindi niya sinsabi dahil bigla na lamang nagbabago ang kanyang nararamdaman at kanyang isipan. May mga naging karelasyon siya na umabot lamang ng isang linggo dahil nawawala ang pagmamahal niya dito kaya nakikipaghiwalay siya agad dahil ayaw niyang umabot sa punto na sobra niya pa silang masaktan.
Sa ngayon, si Lhen ay nakapagtapos na ng kanyang pag-aaral at isa nang propesyunal na guro at nagtuturo sa isang pampublikong paaralan. Naging maganda rin ang kinalabasan ng kanyang naging desisyon, mas lalong naging malapit siya sa kanyang ama at naging matatag ang pagsasamahan nilang buong pamilya. Siya ngayon ay masaya sa tinahak niyang propesyon dahil din sa kanyang mga estudyante at mga kapwa guro. Nakatuon pa rin ang isip niya sa pagtuturo at sa kanyang pamilya na nais niyang matulungan at maiangat sa kahirapan.
By: ROGIERLIE A. TOMAS